101-Anyos Na Lola, Mag-isa Na Lαmαηg Namumuhay At Pαtυℓσу Pa Ding Nagtatrabaho Sa Kabila Ng Kαηιуαηg Edad

101-Anyos Na Lola, Mag-isa Na Lamang Namumuhay At Patuloy Pa Ding Nagtatrabaho Sa Kabila Ng Kaniyang Edad

12837

Kamakailan lamang, naging viral sa social media at umantig sa puso ng maraming netizens ang kwento ng isang lola na mag-isa na lamang na naninirahan sa isang lumang bahay sa isang liblib na lugar sa Ilocos Sur.

Base sa impormasyon na ibinahagi ng Trending Bytes, ang 101-taong-gulang na lola na nakilala sa pangalan na Felicidad Cabuena ay mag-isa na lamang na naninirahan sa kaniyang bahay dahil siya ay tumanda ng dalaga.

Ngunit, base sa ulat ng I-Witness, patuloy pa din na kumakayod at nagtatrabaho si Lola Felicidad sa bukid sa kabila ng kanyang edad. Paliwanag naman ni Lola Felicidad, kaya lamang siya nagtatrabaho pa ay dahil hindi niya gusto ang maghapon lamang na nakaupo o nakahiga sa kaniyang tahanan at walang ginagawa.

Saad ni Lola Felicidad,

“Hindi ko gusto ‘yung laging nakaupo, walang trabaho.”

Dagdag pa niya,

“Hindi puwedeng hindi ako magtrabaho.”

Pagbabahagi naman ni Lola Felicidad, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makabuo ng pamilya dahil aniya ay walang kahit na sinong lalaki ang nagkakagusto sa kaniya nang mga panahon na iyon dahil wala naman daw siyang ganoong itsura na katulad ng hinahanap ng mga kalalakihan. Dahil dito, tumanda na lamang na dalaga si Lola Felicidad at pinili na lamang nyang mamuhay ng mag-isa at tulungan ang kniyang pamilya.

Ani Lola,

“Walang nagkagusto sa akin kasi ang pangit-pangit ko.”

Saad pa niya,

“Kaya wala akong asawa. Kapag pangit ka, hindi ka magugustuhan ano.”

Base naman sa naging tagapag-alaga ni Lola Felicidad na si Regin Cabico, 94-taong-gulang na daw si Lola Felicidad nang simula niyang alagaan dito. Malayong kamag-anak ni Lola Felicidad ang napangasawa ni Regina. Ang mga pamangkin ni Lola ang siyang nagbibigay sa kaniya ng pera bilang sweldo na din niya para sa pangangalaga sa matanda.

Ang lumang bahay ni Lola Felicidad ay puno ng mga larawan ng kaniyang mga mahal sa buhay. Pagbabahagi naman ni Lola na isa siya sa mga tumulong na maging matagumpay ang buhay ng ilang miyembro sa kanilang pamilya at matupad ang mga pinapangarap ng mga io.

Ani Lola Felicidad,

“Hindi pwedeng hindi ka tumulong. Kapatid ko ‘yun eh saka anak ng kapatid mo, hindi mo tutulungan?”

Kahit pa man mag-isa na lamang namumuhay si Lola Felicidad sa isang payak na buhay, nagsisilbi naman siyang malaking biyaya para sa kaniyang mga mahal sa buhay dahil sa tulong na ibinibigay niya para sa mga ito.