107 Taong Guℓang Na Loℓa, Ibinahagi Ang Sikreto Para Mabuhay Nang Matagaℓ: ‘Huwag Mag-Aasaωa’

Grandma Long Life

807

𝘈𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘣𝘪𝘣𝘪𝘺𝘢𝘺𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘥𝘢𝘳𝘢𝘴𝘢𝘭 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰. 𝘕𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘶𝘯𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘸𝘢𝘬, 𝘯𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘪𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘪𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘵𝘢𝘨𝘢𝘭 𝘱𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘨𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘥𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘵𝘪𝘭𝘢 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘳𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘴𝘪𝘱𝘢𝘯.

𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘭𝘱𝘶𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯 𝘰 𝘮𝘨𝘢 𝘴𝘶𝘩𝘦𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘮𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺, 𝘰 𝘮𝘢𝘥𝘢𝘨𝘥𝘢𝘨𝘢𝘯 𝘮𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘮𝘶𝘯𝘥𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢𝘣𝘢𝘸. 𝘕𝘢𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘸𝘦𝘯𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘴𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘶𝘭𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘭.


Kung tatanungin mo ang isang tao kung ano ang kanilang lihim sa mahabang buhay, ang sagot na karaniwan mong makukuha ay ang kanilang pag kain ng tama, pagiging malusog at regular na pag-eehersisyo. Ngunit ang isang ginang ay nagbigay ng isang medyo kakaiba at nakakagulat na sagot.

Ang ginang na aming tinutukoy ay kakadiwang lamang ng kanyang 107 na kaarawan. Nakakagulat pero tunay nga, tama ang iyong nabasa, siya ay 107 taong gulang.  At ang kanyang lihim sa mahabang buhay ay walang iba kundi – ang hindi kailanmang pagpapakasal sa kung sino man.

Naibalita ng CBS New York na si Louise Signore ay nag diwang ng kanyang kaarawan noong Hulyo sa JASA Bartow Senior Cente. Si Ginang Louise Signore ay ipinanganak sa Manhattan New York  noong 1912, ngunit lumaki siya sa Bronx (kung saan nagmula ang sikat na artista at mananayaw na si JLo) kung saan siya nakatira mula pa noong siya ay 14 taong gulang pa lamang.

Ang masayahing ginang na ito na panay ang suot ng kulay rosas ay may isang nakaka aliw na talento na tila laging nagbibigay saya sa kanyang mga kasamahan sa tahanan ng mga matatanda. Ang kanyang kaibigan na si Deborah Whitaker, ay nagsabi na si Louise ay walang kasing lakas sa kanyang edad.

Dagdag pa ni Deborah na si Louise ay walang kapaguran, panay ang lakad ng walang tungkod o “wheelchair” at panay ang pamimili ng kanyang mga pangangailangan kahit magisa lang siya.

“Sa palagay ko, ang koneksyon niya sa kanyang mga kapitbahay sa komunidad at pati na rin ang kanyang mga kaibigan dito sa senior center ay nakakatulong upang mapanatili niya ang kanyang sigla,” sabi ni Aisha Parillon, ang “senior director” ng mga “senior service” ng JASA.

Inihayag ng babaeng Italyanong ito na sumasayaw pa rin siya araw-araw at naglalaro ng “bocce”, na kung saan ay isang larong ginagawa pa noong Sinaunang Roma na ginagamitan ng mga bola. Sinabi rin ni Louise na siya ay nabubuhay ng mag-isa at ito ang tunay na pangunahing susi sa mas kaunting stress sa kanyang buhay.

Sinabi ni Louise, “Sa palagay ko ang sikreto ng 107 kong edad ay: ang hindi ko pagpapakasal. Sa palagay ko ito ang sikreto. Nasabi pa ng aking kapatid kung minsan na ‘sana hindi na lang ako nagpakasal’. “

“Kung mayroon silang programang pang ehersisyo, ginagawa ko ang pag eehersisyo. Kung sumasayaw sila, sumasayaw din ako. Gumagawa pa rin ako ng kaunting pagsasayaw kahit tapos na sila. Matapos ang aking tanghalian, naglalaro naman ako ng bingo, pagkatapos nun buo na ang araw ako. ” dagdag pa niya.