14 Years Old na Bαbαeηg may UTI, Nabigуαη ηg Maling Gamot; Gamot Para sa Meηtαℓ Disorder, Ipinaimon Dito

891

𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 14 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘔𝘢𝘵𝘶𝘨𝘶𝘪𝘯𝘢𝘰, 𝘚𝘢𝘮𝘢𝘳 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘮𝘰𝘵 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘬𝘢𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘱𝘦𝘬𝘵𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘶𝘸𝘪 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢-𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭.

𝘈𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘶𝘭𝘢𝘵, 𝘯𝘢-𝘥𝘪𝘢𝘨𝘯𝘰𝘴𝘦 𝘥𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺𝘳𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘜𝘳𝘪𝘯𝘢𝘳𝘺 𝘛𝘳𝘢𝘤𝘵 𝘐𝘯𝘧𝘦𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 (𝘜𝘛𝘐) 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘢𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘪𝘯𝘪𝘳𝘦𝘴𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘮𝘰𝘵 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘨𝘢𝘮𝘰𝘵 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘺𝘳𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘦𝘯𝘵𝘢𝘭 𝘥𝘪𝘴𝘰𝘳𝘥𝘦𝘳.

Bilang resulta, matapos ang pag-inom ng naturang gamot ay nagsimula umano itong maglalaway at tumirik din daw ang mga mata nito. Ang nangyari umano sa babae ay parang isang seizure o epileptic episode.

Dahil dito kaya isang linggong nanatili sa ospital ang dalagita. Bagama’t naagapan na ng ospital ang nangyari sa babae, maaaring malala pa raw ang nangyari rito kung hindi ito agad naisugod sa pagamutan.

Kaya naman, humihingi ngayon ng hustisya ang pamilya ng dalagita para sa nangyaring pagpapainom ng maling gamot sa biktima. 

Bago ito nangyari, nagpunta umano ang babae at pamilya nito para sa isang normal na check-up at dito napag-alaman na mayroon siyang UTI. 

Para maagapan ang UTI nito, binigyang ng municipal health officer ng Matuguinao ang babae ng gamot na ‘Cefalexin’. Tama naman umano gamot na ito para sa kanyang UTI ngunit, ang sumunod na gamot na iniresita rito ay kwestiyonable.

Ayon sa pinsan ng pasyente na si Dherma Velarde Malahay, isang nursing attendant umano ang nagbigay ng gamot na ‘Haloperidol’ sa kanyang pinsan. Ang ‘Haloperidol’ ay isang gamot na ibinibigay para sa mga taong mayroong mental disorder. Pagtutukoy pa ni Dherma, ang nursing aide na si Rossel Davantes daw ang nagbigay ng naturang gamot.

Hindi naman matukoy ng mga ito kung bakit nito ibinigay ang maling gamot sa pasyente o kung bakit nito naihalo ang dalawang magkaibang gamot.

Matapos ang naturang check-up ng dalagita, pinauwi na rin ito sa kanilang bahay dahil pwede lamang na doon ito magpahinga habang iniinom ang mga gamot para sa kanyang UTI. Ngunit, dahil nga sa maling gamot na ipinainom dito, naglabas ito ng mga sintomas ng seizure o epilepsy.

Dahilan ito para agad isugod ang dalagita sa Gandara District Ospital.

Siniguro naman na ni Mayor Aran Boller ng Matuguinao, Samar na papanagutin ang sinumang mapapatunayang nagkasala sa nangyari sa dalagita. Mayoon na umano ngayong imbestigasyon na ginagawa para rito. 

“We will conduct a fair investigation, if evidence warrant, then maybe we can dismiss whoever responsible of the alleged giving a wrong medicine to the patient,” pagsisiguro pa ng alkade.

Ngunit, ang isa pa sa ikinababahala ng pamilya ng 14 na taong gulang na babae ay ang maaari umanong maging epekto pa ng inimon nitong maling gamot. Nag-aalala ang mga ito na mayroong naging epekto ang gamot sa utak ng dalagita.

Kaya naman, kahit siniguro sa mga ito ng ospital na maayos na ang kalagayan ng pasyente, hindi maalis sa mga ito ang pag-aalala at ang kagustuhan na mapanagot ang may sala sa likod nito dahil hindi biro ang nangyari sa babae at sa maaaring mangyari pa rito dahil lamang sa maliit ngunit napaka mapanganib na pagkakamali sa gamot nito.

Source: facebook