Ivana, handang ubusin ang pera at ari-arian para sa kapatid: Umiiyak na lang ako, sabi ko ‘Mona, lumaban ka’

Ivana, handang ubusin ang pera at ari-arian para sa kapatid: Umiiyak na lang ako, sabi ko ‘Mona, lumaban ka’
Bakas ang lungkot sa mga mukha ng aktres, model, at YouTuber na si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o kilala sa pangalang Ivana Alawi matapos mapag-usapan ang matagal ng karamdaman ng kanyang pinaka-mamahal na kapatid na si Mona Alawi sa naging panayam nito sa kanyang talent manager na si Ogie Diaz.

Ang child star kasi na si Mona ay matagal ng may karamdaman at hindi naman ipinagkakaila na kahit sa murang edad nito ay mayroon na siyang Type 1 d1abetes, isang uri ng nerve damage.

Sa murang edad niya ay nakararanas na siyang mag-insulin at kung minsan umano ay ang walong taong gulang na batang ito ang nag i-inject sa kanyang sarili.

Pagbabahagi ni Ivana, hanggang ngayon ay patuloy pa rin silang naghahanap ng mas magandang gamot para tuluyan ng gumaling ang kanyang nakababatang kapatid.

“Minsan nga sinasabi ni Mona, ‘Ate tama na. Ang mahal nito, ang mahal ng ganyan’. Sabi ko, ‘Mona, kaya nga ako (nagtatrabaho) because I want to give you the best’. ayon kay Ivana.

“Bakit pa ako nagtatrabaho kung hindi ko naman ibibigay sa pamilya ko, That’s what inspires me. Mona, my mom, my brother, my sister.” dagdag pa niya.

Paliwanag pa ni Ivana ay handang siyang ubusin ang lahat ng kanyang pera para lang sa kapakanan at kalusugan ng kanyang buong pamilya.

Ganun pa man, positibo pa rin ang aktres na balang araw ay tuluyan din na gagaling si Mona mula sa kanyang karamdaman.

Malungkot naman na sinabi ni Ivana na sa tuwing nakikita niya ang kanyang kapatid na nahihirapan sa kanyang karamdamaman ay hindi nito maiwasang maiyak at malungkot.

“Umiiyak na lang ako. Sabi ko ‘Mona, lumaban ka!’ Kasi minsan may mga time na pinanghihinaan siya ng loob, na parang puro sakt. Everyday, all she feels is pa1n,” Kwento pa niya.

Dahil dito ay palaging sinasabi ni Ivana sa kanyang kapatid na lumaban dahil madami ang umaaasang gagaling din siya.