Viral sa Social Media and Isang Estudyanteng na Kumakain na Suka at Toyo lang ang Ulam

Viral sa Social Media and Isang Estudyanteng na Kumakain na Suka at Toyo lang ang Ulam

Sa paaralan ng Butuan City, isang grade-5 na batang estudyante na kumakain sa labas ng paaralan at sa likod lang ng puno ng kahoy kumakain ng kaniyang pananghalian, umani ng samo’t-saring reaksyon sa social media.

Ayon pa sa nag-upload ng mga larawan na si Fhieljoy Valdez Curiba sa kaniyang Facebook post at sinabi niyang nagtataka siya kung bakit ito kumakain sa labas ng kanilang paaralan at nasa likod pa sa punong kahoy ito kumakain.

Ayon pa ni Curiba parang nadudurog daw ang kaniyang dibdib ng makita niyang toyo at suka lang ang ulam ng bata at kaya daw sa labas lang ito kumakain dahil baka daw nahihiya lang ito sa kaniyang mga kaklase dahil sa kaniyang ulam.
“Nag sakit akong dughan nakakita aning bataa nalabyan nku daplin kalsada naniudto,,nagpalayo tawn siya sa ilang eskwelahan nagkaon kay maulaw tingale siya sa iyang sud an.”

[Sumasakit ang dibdib ko ng makita ko ang batang to sa tabi ng kalsada na kumakain sa kaniyang pananghalian, nagpakalayo sa kaniyang paaralan dahil baka nahihiya siya sa kaniyang ulam.]

Gusto sana ni Curiba na bilhan ng ulam ang bata pero wala daw siyang nakitang karenderya sa paligid kaya tinatanong niya nalang ang bata kung ano ang pangalan pero hindi ito kumibo at tila nahihiya ito sa kaniya.

“..nag lingi lingi ko kung naay tindahan namaligya ug sud an kay akong palitan wala man sad tawn nagbaligya, pangutana nku unsay pangalan dili mn mutingog kay naulaw, nag duko intawn nagkaon”

[Napalingon ako sa paligid baka merong nagbebenta ng ulam pero wala akong nakitang karenderya. Gusto ko sana siyang bilhan. Tinatanong ko nalang kung ano ang pangalan niya pero hindi siya sumagot at nakayuko lang habang kumakain.]

Maraming netizen ang naaawa sa batang estudyante lalo na yung ibang nakakaranas nito noong sila ay bata pa.

Wala pang isang araw ang facebook post ni Curiba pero mabilis itong kumalat at ang bata ay umani ng papuri mula sa mga netizen.

Ito naman ang kanilang naging kumento:

Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay para huminto sa pag-aaral; yan ang pangatnig ni ElChapo Parzival sa kaniyang kumento sa post.