Caridad Sanchez, Nagagawa Pang Tumakbo at Mag-Boxing sa Edad na 89

Caridad Sanchez, Nagagawa Pang Tumakbo at Mag-Boxing sa Edad na 89
Hinangaan ng marami ang videong inupload ng anak ni Caridad Sanchez na si Alexander Joseph Sanchez-Babao kung saan mapapanood ang beteranang aktres na nag-eehersisyo at malakas pa ang pangangatawan sa kabila ng kanyang edad. Si Caridad ay 89-anyos na at pinapanatiling malusog at malakas ang pangangatawan.

“Low signal naman talaga memory from time to time but compensated sa physical.. grabe.. up and down pa yan sa white plains parang bundok. May Kasama nga lang. Kasi ingatan Namin ang Bali senior na eh. Hingal din Yung Kasama Niya na 26year old hahahaha,” ani ni Alexander.

Sa ehersisyong ginagawa ni Caridad ay kasama ang pagjogging at pag-boxing. Kahit na hindi na siya lumalabas sa telebisyon ay masaya pa rin ito sa simpleng pamumuhay.

Isang inspirasyon si Caridad hindi lamang sa kapwa niya aktres at sa mga may edad kundi para sa lahat na alagaan ang sarili at mag-ehersisyo para mapanitiling malakas ang katawan.