Bagsak at Parating Pasang-Awa Noon, Topnotcher sa Nursing Borad Exam Ngayon!

Bagsak at Parating Pasang-Awa Noon, Topnotcher sa Nursing Borad Exam Ngayon!
Sinong mag-aakala na ang bagsak at parating pasang-awa noon sa eskwela ay magta-topnotcher sa board exam? Siya si Nora Jane Staveley, Top 1 sa May 2022 Nurse Licensure Exam na nakakuha ng 90 percent rating. Nagtapos siya sa Our Lady of Fatima University sa kursong Bachelor of Science in Nursing ngayong taon.

“Actually, bagsak at pasang-awa na ako nu’ng fourth year. Literally nasa 3/10 o 5/10 ang mga quizzes ko. Tapos sa exams, 29/50 at 44/75,” ani ni Nora.

“I can clearly recall how hard I prayed when I had to take the Philippine Educational Placement Test para ma-skip yung third year and fourth year ng high school,” ani ni Nora nang kumuha siya ng test taong 2015. “Need ko kasi talaga ng diploma nun dahil required para makapag-apply sa trabaho.”

“Those were one of the darkest days in my life‚Ķ And wala akong perang pang-review center sa PEPTest nun.

“I just grabbed whatever pang-third year at fourth year na textbooks I could find and studied for the two months I had then, and took the exam,” aniya.

“Kasi yung mga tanong sa exam ay kung ano ang itinuturo sa third year at fourth year, eh, sabaw ako sa math. Mga trigonometry‚ĶAnd sobrang saya ko talaga nung nalaman kong ‘passed’ lahat! Habang bumibiyahe ako pauwi, talagang sobrang grateful ako kay God kasi malaking bagay yun na hiniling ko sa Kanya na ibinigay niya sa akin,” aniya pa.

“Iniisip ko nga, delikado na ang scores ko nung fourth year, nagawa ko pang mangampanya. Nalugmok ako nung di nanalo. Tapos namatayan ako ng pusa the same month. Basta ang gusto ko lang ay masabi sa sarili ko na I did my best at wala akong pagsisisi sa araw ng board exam. Ang gusto ko lang ay makapag-focus.”

“Pinilit kong isantabi muna lahat ng masasaklap na nangyari nung college, lahat ng pain na resulta ng election, lahat ng expectations sa akin, at lahat ng pressure.

“Basta ang alam ko lang ay may 20 days pa ako para mag-review, at nasa akin na ‘yun kung susulitin ko talaga bawat minuto. Eventually I decided to just get back to reality and face my exams,” pagbabahagi pa ng board topnotcher.

Payo niya sa mga magtetake ng board exam “Familiarization is basically when you’ve studied something many times to the point where you can explain it in your own words.

“Basically, yung inaral ko today, bukas iisipin ko ulit: ‘Ano nga ba ulit yung inaral ko kahapon?’ Mag-effort mag-aral at mag-familiarize ng mga itinuro nung college, dahil sa sobrang dami ng coverage ng exam, hindi madadaan sa memorization.”