Grupong Streetboys naniniwalang inosente si Vhong Navarro, #WeStandWithVhong Movement Inilunsad !

Grupong Streetboys naniniwalang inosente si Vhong Navarro, #WeStandWithVhong Movement Inilunsad !

Naniniwala ang mga miyembro ng dating dance group ni Vhong Navarro na Street Boys, na walang kasalanan ang aktor laban sa mga kasong isinasampa sa kanya.

Natatag ng #WeStandWithVhong, #WeBelieveVhong at #JusticeForVhong ang grupo at mga kapwa artista ng aktor, na pinangunahan ng kaibigan niyang si Jhong Hilario, bilang pagpapakita ng pagsuporta sa kanya, at sa mga kinahaharap nitong mga paratang.

“Let’s all unite and share this thread to show our support to our brother Vhong Navarro. We need your help na mabigyan sya ng hustisya. Matagal namin kakilala si Vhong at naniniwala kaming buong grupo na s’ya ay inosente,”pagpapaliwanag ng grupong Streetboys

“Please use this photo to show our support. Paki-repost sa wall or gawin n’yong profile picture kayo na po ang bahala. Kailangan niya ang ating mga dasal at suporta.” dagdag pa ng grupo.

Hiniling nila na magsama sama ang lahat ng mga tagasuporta ni Vhong na magdasal upang mabigyan agad ng hustisya ang aktor. Suportado rin ito ng dati nilang manager at direktor na si Chito Roño.
 “Taos-puso kami nagpapasalamat in advance sa inyong mga walang sawang pagmamahal. Mabuhay kayong lahat. And God be with you and your family,”

Sa ngayon ay kumalat na ang #WeStandWithVhong, #WeBelieveVhong at #JusticeForVhong, na ginagamit ngayon ng mga netizen sa iba’t ibang platform ng social media, bilang pagsuporta kay Vhong Navarro.

Nagpakita rin ng pagsuporta at mensahe ang mga kasamahan ni Vhong Navarro sa “It’s Showtime”.

“Kuys Vhong, nandito lang kami. Kapit lang, we love you,” Jhong Hilario.

“Mag-group hug tayo para kay Vhong… We love you, Vhong. We will all be praying for you.”- dagdag ni Vice Ganda.