Vhong Navarro tuluyan ng ”Nakulong”, Mugshot ng actor inilabas rin ng NBI !

Vhong Navarro tuluyan ng ”Nakulong”, Mugshot ng actor inilabas rin ng NBI !

Nitong Lunes, September 19, 2022, matatandaang sumuko ang actor at tv host na si Ferdinand “Vhong” Navarro sa NBI (National Bureau of Investigation), matapos itong ma isyuhan ng “Warrant of Arrest for Acts of Lasciviousness” ng MTC (Metropolitan Trial Court) Branch 116 sa Taguig City, na may piyansa na nagkakahalaga ng P36,000 pesos.

Pagkahapon ng araw na iyon, ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 69 Taguig City, ang isa pang “Warrant of Arrest” laban kay Vhong Navarro sa kasong “Rap3”, na walang kaukulang piyansa.
Ngayong araw, September 20, 2022, isinurender na siya sa NBI-SMS (NBI Security Management Section). Isinailalim muna siya sa antigen test at nag negatibo naman ang naging resulta nito.
Nagbigay naman ng statement ang NBI (National Bureau of Investigation) at mugshot ng aktor, na ipinost sa kanilang Facebook Page.
Marami naman ang nagpahatid ng mensahe, panalangin, at suporta para kay Vhong Navarro, lalong lalo na ang mga kasamahan nito sa industriya, pamilya, kaibigan at mga supporters nito. Hiling nila na sana lumabas na ang katotohanan at makamit niya ang hustisya.