Mag-isang Inaalagaan ang Amang May Malubhang Karamdåman,9-Anyos na Bata

Mag-isang Inaalagaan ang Amang May Malubhang Karamdåman,9-Anyos na Bata

Handang gawin ng isang magulang ang lahat para sa kapakanan ng kanyang anak. Ngunit, tila umikot ang mundo ng mag-ama dahil sa halip na ang kanyang tatay ang nagtatrabaho ay ang 9-anyos na bata ang gumagawa ng paraan para maalagaan ang ama na may malubhang karåmdaman. Ang sitwasyon ng mag-ama ay ibinahagi ng concerned netizen na si Quintin Abregana sa social media.

Mabilis na kumalat ang kuwento tungkol sa mag-ama. Ayon sa ulat, ang bata na kinilalang si Cherry Rose Cabaquil ay mag-isang inaalagaan ang kanyang ama na may iniindang såkit sa balat. Isang taon na umanong inaalagaan ni Cherry ang ama na hindi na makabaon sa hinihigaan nito.

Aminado si Cherry na hindi madali ang kanyang sitwasyon lalo na sa kanyang murång edad ngunit wala siyang ibang aasahan para alagaan ang kanyang ama kung hindi ang kanyang sarili lamang.

Mabilis na nag-viral ang post ni Quintin at maraming netizens ang mga naantig sa sitwasyon ng mag-ama. Dahil dito, may ilan na nagpaabot ng tulong gaya ng pera na mapapakinabangan nila lalo na sa pagbili ng gam0t ng ama ni Cherry at pang gatsos nila sa pang araw-araw.

Lubos naman ang pasasalamat ng mag-ama sa mga netizens dahil malaking tulong na ito para sa kanila lalo na sa panahon natin ngayon na mas naging mahiråp ang buhay dahil sa kinahaharap na pand3mya.