Ama na Nasa Ospital Dahil sa Karamdaman Nito, Ipinaghingi na Raw ng Abuloy ng Pinuno ng Barangay kahit na Buhay pa!

Ama na Nasa Ospital Dahil sa Karamdaman Nito, Ipinaghingi na Raw ng Abuloy ng Pinuno ng Barangay kahit na Buhay pa!

Naghihimutok sa galit ang mga kaanak ng isang matandang lalaki na nasa ospital na kasalukuyang nagpapagaling dahil sa karamdaman nito. Siya ay naka-confine umano sa Nueva Ecija. Nalaman ng mga kaanak na nag-utos ang kanilang punong barangay na maglikom para sa ‘abuloy’ para kay Tatay Feliciano Fausto na taga Barangay Baybayabas, Talugtug, Nueva Ecija.

Labis na ikinagalit ito ng mga kaanak ni Tatay Feliciano at ipinakita pa ang video na nakakatayo pa at buhay na buhay ang kanilang ama.

Ayon naman sa panayam ng GMA News kay Nely Fausto-Pangyarihan na anak ni tatay Feliciano ay nakakagalit at masak!t daw ito sa kanilang kalooban. “Nakakagalit po, masakit na masakit sa kalooban namin. Buhay pa po ang tatay namin inuutos na ng barangay captain namin na kumuha na ng abuloy,” saad ni Nely na nais magsampa ng reklamo laban sa ginawa ng kanilang barangay official.

Ini-utos daw ng barangay captain na si Nelia Garillo na mangalap na ng abuloy nang makarating sa kanilang tanggapan ang sitwasyon ng nasabing pasyent3.

Aminado naman ang baranggap captain sa kanyang pagkukulang na hindi inalam ang totoo at tamang impormasyon. “Ang ginagawa namin, may kaunting contribution sila na hindi naman ‘yan pinipilit. May association dito sa barangay namin sa mga senior citizen kung halimbawa may namatay, may tulong na tig-P100,” anang kapitana.

Ibabalik umano ng barangay ang mga nalikom na ‘abuloy’ o pera sa mga taong nagbigay nito.

Sinabi naman ng Municipal Local Government Operation Office na magpunta sa kanilang tanggapan at hinikayat na magsampa ng reklamo laban sa opisyal ng nasabing barangay na nag-utos upang maglikom ng abuloy para kay Tatay Feliciano.