Mag-ama sa Quezon, Binawian ng Buhay Matapos Tamaan ng Kidlat

Mag-ama sa Quezon, Binawian ng Buhay Matapos Tamaan ng Kidlat
Sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang mag amang ito matapos silang tamaan ng malakas na kidlat, habang sila ay nag hahapunan at nasa loob sila ng kanilang bahay, nangyari ang insidente sa Barangay Tagbacan Ilaya, Catanauan, sa probinsya ng Quezon nito lamang nag daan na Huwebes, Hulyo 28, 2022.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, kasagsagan ng malakas na ulan bandang alas-8:00 ng gabi noong Huwebes nang biglang tinamaan ng kidlat ang mag-amang sina Jomar Funtilar, 37, at anak nitong si Jona Funtilar, 9, habang naghahapunan sa Barangay Tagbacan Ilaya, Catanauan, Quezon.

Nagtamo ng mga sugat at paso sa katawan ang mga biktima na naging dahilan ng kanilang [email protected]

Pinapayuhan naman ang lahat na laging maging ma-ingat sa anumang oras, araw at panahon, lalo na kapag alam nating malakas ang buhos ng ulan, mayroong pagkalakas na mga kidlat sa paligid, o ano pa mang sakuna, dahil hindi natin alam ang mga susunod na mangyayari.

Samantala, humihingi naman ng tulong pinansyal ang pamilya ng mga biktima para sa pagpapalibing sa mga ito.