Delivery Rider, Binaw!an Ng Buhay Habang Siya Ay Nagpapahinga At Sa Mismong Araw Pa Ng Undas

Delivery Rider, Binaw!an Ng Buhay Habang Siya Ay Nagpapahinga At Sa Mismong Araw Pa Ng Undas

Isang Rider ang natagpuang [email protected] ng buhay sa United st.Barangay Kapitolyo, Pasig City, ngayong araw pa mismo ng undas, November 01, 2022, alas 6:00 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Noel Escote na residente ng Brgy. Pinagbuhatan.

Ayon sa kaibigan nito ay binangung0t raw ang rider na ito habang nagpapahinga siya sa kaniyang motor.

Mag damag din daw itong bumyahe, umulan man, umaaraw, malamig man ang panahon o maiinit, tuloy tuloy din daw ang pagkuha nito ng mga bookings dahil sa mababa diumano ang rate charge nito sa isang courier company.

”R I P sau paps,,, nkakalungkot man icipin pero sumabay kapa sa nov, 1 sana pinahinga mo nlng sa bahay nyo,,, sa mga kapwa ko delivery rider kpag hndi na kaya ng katwan at nkakaramdam na ng pagod mas mabuting ipahinga nlng,,, saludo aq sau paps kumakayod ka pra lng my maiuwing pera at may ipakain sa pamilya mo,,, sa pamunuan ng lalamove sana mpansin nyo din si kuya,,, condolence din sa pamilya mo kuya,,, sana alam na nila qng anong nangyri sau ngaun,,,,” ayon  ito sa mismong post ni LA Ocampo sa facebook.

Labis naman ang lungkot at awa ng mga netizen sa sinapit ng rider. Humihingi rin ng tulong ang asawa ng delivery rider.

Paalala naman ng mga kapwa niya na kumakayod at maghapon sa kalsada, kapag nakaramdam ng pagod magpahinga agad, huwag tipirin o gutumin ang sarili, huwag kalimutan ang sarili dahil inaantay ka ng iyong pamilya at mahirap ng ibalik ang isang buhay.