PANOORIN: TATLONG KATAO, KABILANG ANG ISANG INA AT 2-TA0NG GULANG NA BATA, NAHULOG SA AMUSEMENT RIDE

PANOORIN: TATLONG KATAO, KABILANG ANG ISANG INA AT 2-TA0NG GULANG NA BATA, NAHULOG SA AMUSEMENT RIDE

Sa mga mahilig sumakay sa perya, Ferris Wheel o iba pang rides. Mag-ingat!

TATLONG KATAO, KABILANG ANG MAG-INA, SUGATAN MATAPOS MAHULOG SA AMUSEMENT RIDE
Isang video ang viral ngayon sa social media, kung saan kuha ang aksidente na nangyari sa isang Carnival sa Masinloc sa lalawigan ng Zambales nito lamang Biyernes, Oktubre 28.

Bumagsak at naka handusay na sa semento ang isang babae matapos mahulog sa sinasakyang amusement ride sa Zambales.
Ayon sa mga nakasaksi tatlo ang tumilapon kasama ang isang babae na makikita sa video na nakahiga. Ito ay naganap sa isang rides sa karnibal na pinangalanang ‘galaxy force’ kung saan isang malaking bilog na parang roller coaster ang maari mong maranasan dito.

Hinintay ang pagdating ng mga rescuer para madala ang babaesa pinakamalapit na pagamutan. Agad naman dumating ang ambulansya at naitakbo agad ito sa ospital.

Ayon sa pulisya, tatlo ang nahulog sa nadiskaril na amusement ride matapos kumalas ang turnilyo nito
Kinilala ang mga biktima na si Carla Mae Calbonge, at Mag-ina na si Rodelina Ulao At Gero Ulao, na dalawang ta0ng gulang.

Sasagutin din diumano ng pamunuan ng carnival ang lahat lahat ng mga gastusin sa ospital ng mga biktima.

Pero tigil-operasyon din muna ang carnival habang gumugulong ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
Nang dahil din sa insidenteng ito ay marami ng mga netizen ang natatakot na sumakay sa mga rides, lalo na sa nakasamayang mga amusement park na perya.
Pinapaalala rin sa lahat na laging mag-ingat sa mga ganitong rides