Bata, ibinenta ang kaniyang mga laruan para makapagbigay ng tulong sa pinsan niyang nasa hospital

Bata, ibinenta ang kaniyang mga laruan para makapagbigay ng tulong sa pinsan niyang nasa hospital

Maraming mga netizen ang naantig sa litratong ibinahagi ni Robie Bastasa Rubrico, kung saan naka display at itinitinda ng isang bata ang kaniyang mga laruan upang matulungan daw nito ang pinsan niyang nasa ospital.

Ang mabait na batang ito ay si Mateo, siya ay anak ni Robie Bastasa Rubrico.

Makikita sa larawan nagbebenta si Mateo ng kanyang mga laruan habang hawak ang isang placard na nakalagay ”FOR SALE : PARA SA PINSAN NAMING NASA HOSPITAL ! BILI NA KAYO !”, ginagawa raw nila ito upang makapag-ipon ng kahit anumang halaga upang makatulong sa pinsan niyang may sakit na pneumonia at naka-confine sa hospital.

Ayon pa kay Robie, dinanas din daw nila ang ganitong sitwasyon, kung saan ay nagkasakit ang anak niyang si Mateo at na-confine sa hospital, kaya alam daw umano nila ang hirap na dinaranas ng kanilang kapamilya.

“Bilang kabilang side bukod sa moral support na nabibigay namin sa pinsan nya, naisip nya mag benta ng toys para sa pinsan nya tapos kung magkano dw mabenta yun daw iabot,” sabi niya.

“Tinanung ko si mateo kung ano pakiramdam nya sagot nya sakin nang hihinayang po pero ok lang alam ko naman babalik sakin yang mga yan mas marami pa,” kwento pa nito.

Sa ngayon, na-discharge na raw ang pinsan ni Mateo at nagpapasalamat ang pamilya nila sa mga taong tumulong at nag-share raw ng kanilang post.

“Simple lang pero alam kong malaking bagay,”.

Makikita rin sa mga larawan na hindi basta basta at mumurahing laruan ang kaniyang ibinebenta, ilan kasi sa mga ito ay mga collectible item sa isang kilalang fast food chain.

Narito ang mga post ni Robie sa kanyang Facebook account:

”Baka po madaan kayo sa phase2 malapit po kami sa arko before cemetery.. Mateo selling his toy for his pinsan na naka confine.. 25each sa lahat ng jollibee and mcdonalds toys..”

”Mateo selling his toys for his pinsan.. 25EACH per jollibee and mcdonalds toys..Daan po kau sa bahay…”

”Sobrang salamat po sa lahat ng tumugon sa aming munting pamigay sale na mga laruan ni Mateo para sa kanyang pinsan.. Dahil po jan laking ngiti nya po.. Sa lahat po ng bumili,bumili online,nag gcash kahit walang binili,nag gcash kahit nasa ibang panig ng mundo,mga nag shared post.. Maraming maraming salamat po! Ibabalik po namin ng maraming panalangin para sa inyo at maraming pagpapala galing sa Panginoon.. Maraming maraming salamat po..”

”Sold! Maraming Salamat po! Maraming salamat po sa mga ginamit ni Lord para makatulong sa financial ng pinsan ni Mateo.. nakalabas na po sya ng hospitAl.. Prayer na ibalik ni Lord ng maraming marami ang kabutihan nyo po na nagawa..GODbless po!- Mateo Bastasa Pilapil”.

Sadyang napakabait ng batang si Mateo gayundin ang mga magulang nito.