29-anyos Na Balut Vendor, Inireklamo Ng 69-anyos Na Ka-relasyon Matapos Nitong Ubusin Ang Laman Ng Kaniyang ATM

Sa love at first sight nagsimula ang pag-iibigan ng isang retired navy officer at isang balut vendor ngunit ang kanilang relasyon ay nauwi l...

192
Sa love at first sight nagsimula ang pag-iibigan ng isang retired navy officer at isang balut vendor ngunit ang kanilang relasyon ay nauwi lamang sa isang masalimuot na pagtatapos na humantong pa nga sa paghingi ng tulong ng retired navi sa programang Raffy Tulfo in Action.

Nagtungo ang 69-anyos na retired navy officer na si Alberto Frio sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang 29-anyos na balut vendor na si Ronelyn Solis.

Sa loob ng apat na taon ng kanilang relasyon, sinuportahan umano niya financially si Ronelyn ngunit sa kabila ng magandang trato at pakikitungo niya dito, nahuli pa din niya ito na may ibang karelasyong lalaki.

Gayunpaman, pinatawad pa din ni Alberto si Ronelyn at sila ay nagkabalikan ngunit nangaliwa muli ang balut vendor at ngayon ay buntis na sa ibang lalaki.

Kahit ganoon ang ginawa ni Ronelyn, pinatawad pa din siya ni Alberto at hiniling na bumalik na muli sa kaniya ngunit tumanggi na ito. Dagdag pa niya, mapipilitan siyang bawiin lahat ng ibinigay niya dito kapag hindi bumalik si Ronelyn sa kaniya.

Nang marinig ni idol Raffy ang hinaing ni Alberto, sinabi niya na marami ng matandang lalaki ang lumapit sa kaniyang programa para magsumbong at bawiin ang pera na kanilang ibinigay sa mga batang kanilang naka-relasyon na nagloko sa kanila.

Ngunit sa kaso ng dalawa, sila ay nagsasama sa iisang bubong kaya naman may kalahating parte ng property ang babae at perang naibigay ni Alberto.

Ayon kay Alberto, ibinalik umano ni Ronelyn sa kaniya ang kaniyang ATM ngunit wala na itong laman.

Paliwanag naman ni idol Raffy na kung ibinigay ni Alberto ang kaniyang ATM at ang PIN ng kaniyang card ay hindi na ito mababawi pa sa bangko dahil legal naman ang pag-withdraw ng pera ni Ronelyn.

Dagdag pa ng mamamahayag, kapag umano ibinigay ang ATM at ang PIN nito sa isang tao na walang kasulatan sa kung magkano ang maaari nitong kuhanin ay masasabi na din na maaaring kuhanin nito ang lahat ng laman sa ATM.

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Ronelyn na siya ay isang balut vendor at nagsusumikap para kumita ng pera noong sila ay magkakilala ni Alberto.

Ayon sa kaniya, nakapagpatayo umano sila ng bahay gamit ang pera na kaniyang napanalunan sa casino. Ang perang capital naman na ginamit sa paglalaro sa casino ay inamin niya na galing kay Alberto.

Paliwanag naman ni idol Raffy, hindi niya maaaring tulungan si Alberto dahil pagtatapon din ng pera ang ginawa nito noong siya ay naglaro ng sugal sa casino.

Dagdag naman ni Albert, halos nasa P4 million ang kaniyang naibigay kay Ronelyn. Saad naman ni Ronelyn, P30,000 lamang daw ang kaya niyang bayaran ng installment at wala din siyang pera ngayon at trabaho. Siya ay anim na buwan ding buntis.

Ayon kay Alberto, nais niya sana na maibalik ang kaniyang pera kahit P1 million lamang ngunit saad ni idol Raffy na maaaring dalhin ang reklamo nito sa korte dahil wala din namang pambayad si Ronelyn sa kaniya.