5 Habits Na Nakakapinsala Sa Ating Tenga At Pandinig

469

Sa dami ng ingay na naririnig natin sa ating paligid, minsan ito ay nakaka-apekto na sa ating tenga. Mayroon din tayong mga habits o gawain na patuloy parin nating ginagawa at hindi natin namamalayan na nakakapinsala na pala sa ating pandinig. 
Narito ang mga bagay na nakakapinsala sa ating pandinig na dapat mo nang iwasan kung ayaw mong magka-hearing loss o mabingi ng tuluyan.
1. Pagkakaexpose sa malakas na tunog

Dahil nga sa ating makabagong teknolohiya ngayon, naging madalas na rin ang paggamit ng mga tao sa kanilang mga earphones o headset habang nanunuod ng pelikula, nakikinig ng music, nakikipag-usap, at iba pa. Ngunit minsan dahil sa kagustuhan nating malinaw at klaro ang ating naririnig ay nilalakasan natin ang volume nito.
Maging maingat lang dahil ang gawaing ito ay nakakapinsala sa ating tenga at pandinig lalo na’t kapag laging malakas ang volume nito. Importante rin na i-limit ang oras sa paggamit ng mga earphones o headset. 

2. Pagsinga ng malakas

Kapag tayo ay nakakaranas ng sipon, madalas na sumisinga tayo ng malakas upang ito ay mailabas. Ngunit ang pagsinga ng malakas ay nakakapinsala sa tenga dahil tumataas ang pressure ng hangin sa ating tenga at maaaring lumobo palabas ang ating eardrum.  
Maaari ring mapasa ang bakterya na nagmula sa ilong papunta sa inner ear at magdulot ng imp*ksyon.
3. Paninigar!ly0

Alam naman nating lahat na walang magandang naidudulot ang paninigar!ly0 sa ating katawan. At hindi lang sa baga ito may malaking epekto kundi maging sa tenga rin. Dahil sa tuwing hinihithit ang sigar!lyo ay nagco-constrict ang ating mga blo0d vessels at nagdudulot ng mahinang sirkulasyon ng dug0 at oxygen sa iba’t ibang parte ng katawan. 
At hindi maganda na mabawasan ang supply ng oxygen sa may loob na parte ng tenga dahil maaari itong makapagdulot ng pinsala sa cochlea.


4. Hindi pagbisita o pagpapa-check up sa dentista

Importante ang magkaroon ng regular na pagbisita sa dentista. Ang bakterya sa ating bibig ay hindi lamang nananatili sa ating bibig. Kung tutuosin, maaari itong pumasok sa ating blo0dstream at magdulot ng pagkabara at implamasyon sa ating mga arteries.
Ang bakteryang mula sa bibig ay maaari ring magdulot ng implamasyon sa mga ugat sa tenga. At maaari itong mauwi sa pagkakaroon ng mababang suplay ng nutrisyon at oxygen sa cochlea. 

5. Diabetes

Ayon sa mga eksperto, ang dyabetis ay maaaring magdulot ng hearing loss dahil sa mataas na lebel ng glucose o sugar sa katawan, na kapag tumagal ay maaaring makapinsala sa mga blo0d vessels at nerves na matatagpuan sa iyong tenga. Kaya naman upang maiwasan ang dyabetis ay ugaliin na magkaroon ng healthy lifestyle at tamang diet.