7 Pagkaing Na Dapat Iwasang Ibigay Sa Mga Bata

960

Dahil ang mga bata ay nagdedevelop pa lang ang kanilang mga katawan, kailangan nila ng mga masustansyang pagkain upang lumaki ng malusog. Mayroon ding mga uri ng pagkain na dapat ay hindi muna ibinibigay sa mga sanggol o toddlers dahil maaari itong makasama sa kanilang kalusugan. Narito at alamin ang mga ito.
1. Artificial fruit juice, softdrinks at energy drinks

Alam naman natin na hindi healthy ang mga ganitong klase ng inumin dahil sa mataas na taglay ng asukal. Ang mga bata na may edad na 1 taong gulang pababa ay hindi dapat pinapainom ng mga ganito. Ang mga sports drinks at softdrinks ay hindi dapat iniinom ng mga bata ay nakakaapekto ito sa kanilang utak, balat at memorya at nakakapagdulot rin ng cavities.
2. Microwave popcorn

Ang mga microwavable bags ng mga popcorn ay nagtataglay ng mga kemikal na maaaring makasama sa kalusugan ng mga bata. Dahil kapag ang mga ito ay pinainit, nag-eemit ito ng mga compounds na nakakasama sa development ng mga bata. Mag-ingat rin sa popcorn mismo na ibinibigay at kinakain ng mga bata, dahil posible rin na ma-choke sila dahil sa magaspang na texture nito. 
3. Honey
Ang honey ay isang natural sweetener na healthy at maaaring ipangpalit sa asukal. Ngunit para sa mga toddlers na wala pang isang taon, ito ay maaaring mapanganib sa kanilang kalusugan. Dahil ito ay mayroong toxic bacteria na maaaring magdulot ng sak!t na botulism sa mga sanggol lalo na sensitibo pa ang kanilang mga tiyan. Ngunit para sa mga mas nakakatandang mga bata, ay maaari na nila itong kainin.
4. Kendi at chewing gum

Alam naman nating ang negatibong epekto ng kendi sa mga bata. Unang una, nakakasira ito ng ngipin. Ganoon rin ang mga bubble gum na hilig nila. Dapat ay bawasan at kung pwede ay iwasang ibigay dahil delikado kapag nalunok nila ito. Maaari itong magbara sa kanilang digestive system.

5. Gummy bears at fruit gummiesBukod sa kendi ay mahilig rin ang mga bata sa mga gummies tulad ng mga gummy bears at fruit gummies. At ang mga pagkaing ito ay hindi healthy dahil nagtataglay lang ang mga ito ng asukal. Kapag naparami ang kain ng bata nito ay maaaring sila ay makaranas ng sugar rush o pagiging hyperactive. 
6. Chitchirya

Kabilang rin sa mga pagkaing dapat iwasang ibigay sa mga bata ay ang mga chitchirya. Dahil ang mga ito ay nagtataglay ng maraming asin na nakakasama sa kidneys nila. Maaari rin itong magdulot ng pagdagdag ng kanilang timbang na pwedeng mauwi sa pagiging obese at hypertension.
7. Raw milk

Hindi lahat ng gatas ay healthy para sa mga bata. Sa katunayan, ang raw milk o unpasteuraized ay mapanganib sa kanilang kalusugan maging sa mga matatanda dahil nagtataglay pa ang mga ito ng mga bakterya, virus at iba pang parasitiko na tulad ng E.coli at salmonella.