Aktor na si Andrew Schimmer, kumakatok sa puso ng mga netizens dahil sa kalagayan ngayon ng kanyang asawa na nakaratay sa ospital!

118

Nagsumamo ang aktor na si Andrew Schimmer sa social media para sa humingi ng tulong pinansyal.

Sa kanyang online post, nanawagan si Andrew para manghingi ng tulong. Para sa gamutan ng kanyang misis na ngayon ay nakaadmit sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Ang panawagan niyang ito ay naka-address para sa mga katrabaho niya sa showbiz at mga taong bukal ang puso.

Ani Andrew, “Good morning po..mga kapatid, ako po’y kumakatok sa inyong mga puso [crying, broken heart, praying hands emojis] my wife Jho is still fighting for her life right now in st.lukes global icu.”

Ayon pa sa aktor ay ramdam niya umano ang paglaban ng kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero.

Kaya naman sa abot ng kanilang makakaya ay pilit din nilang nilalabanan ng kanilang pamilya ang matinding pagsubok na ito.

Nangangailangan umano sila ng malaking halaga para sa pangangailangan ng kanyang asawa. Umabot na kasi sa mahigit dalawang milyon ang bill nito.

Pagpapatuloy pa ni Andrew, “kaya naman po ako’y kumakatok sa inyong po mga mahabaging puso”

“please any small amount po is a big help. Sa mga kapatid kpo sa labas at loob ng industriya, ako po’y kumakatok sa inyong mga puso.”

Nakasaad sa huli ng kanyang post ay ang bank account at Gcash account ng bunsong kapatid ng misis ni Andrew.

Kalakip din ng post ng aktor ay ang video at larawan ng kalagayan ngayon ng kanyang misis.

Panalangin naman ang inialay ng mga netizens para sa paggaling ng misis ni Andrew.