Alice Dixson, balik Pinas na matapos ma-meet ang kanyang baby.

Bumalik na sa Manila ang aktres na si Alice Dixson kasama ang kanyang anak na tinawag niya munang 'Baby A'. Sa kanyang socmedia ay ...

109

Bumalik na sa Manila ang aktres na si Alice Dixson kasama ang kanyang anak na tinawag niya munang ‘Baby A’.

Sa kanyang socmedia ay ibinahagi niya ang video kasama ang anak habang sila ay nakasakay ng eroplano.

Hindi muna pinakita ni Alice ang mukha ng kanyang baby pero base sa video ay makikitang blonde ang buhok ng bata at may pagka pinkish ang kulay ng balat.

Dahil nga pandemya ay kailangan muna nilang mag quarantine sa isang hotel. Matatandaang inanunsiyo ni Alice noong Holy Week na isa na siyang ganap na ina.

Ibinahagi niya ang isang larawan ng footprint nang sanggol. Isa ito sa mga matagal na niyang hiling at ngayon ay natupad na.


First time mom lamang si Alice kaya wala pa siya gaano ideya sa pagpapalaki ng bata. Ayon din sa kanya ay matagal na nilang sinusubukan ng kanyang partner mag conceive pero hindi sila biniyayaan ng anak kaya nagdesisyon na lamang silang sumailalim sa surrogacy.

“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle.”

“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now.”

“Each year – my wish the same when I blew out my candles. So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true.”


“Our newest little family member has arrived.”

Lumipad si Alice noong Marso 2021 sa Amerika para masulyapan ang kanyang anak. 51 years old na at hindi niya isinasapubliko ang kanyang relasyon ngayon sa kanyang foreign partner.

Read also:

Zeinab Harake, Ipinasilip ang Mukha ng Napakacute na Baby Nila ni Skusta Clee

Karamihan sa ating mga babae ay excited sa pagiging ina. Talagang wala ng mas nakakatuwa pa ang maramdamang magbibigay buhay ka sa batang mamahalin at gagabayan mo. Kaya naman kahit mahirap ang panganganak, isa rin itong fulfilling na pangyayari sa buhay ng isang nanay na habang buhay niyang matatandaan.

Isa sa mga first-time mommy ngayong 2021 ay ang social media influencer na si Zeinab Harake. Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay nasilayan na rin ni Zeinab ang kanyang baby! May 1 nang isilang ng Youtube vlogger ang kanyang first baby sa boyfriend na si Skusta Clee via cesarean section.

Sa kanilang first-time vlog matapos manganak, ipinasilip ni Skusta ang kanilang memorable moments sa panganganak ni Zeinab. Pinangalanan nilang Bia ang kanilang newborn. Wala namang komplikasyon at ligtas na naideliver ni Zeinab ang kanyang baby.

“Sa gitna ng halo-halong emosyon na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Biglang tumigil ang mundo. Pinakamagandang biyaya na ibinigay sa amin ng Panginoon. Tatay na ko pare,” natutuwang sambit ni Skusta sa kanyang video.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang na-excite rin dahil sa wakas ay ganap na magulang na sina Zeinab at Skusta.

Marami rin ang nagpahatid ng kanilang wishes at congratulatory messages sa couple. Silipin ang mga komento nila dito:

“Yoohooooo team zeiryl for the win congrats zeiryl we love you sana healthy si baby.”

“Lods sana healthy si baby bia and you din po ate zeb.”

“Zebby and cleezy I’m happy to both of you sana magtuloy tuloy na pagiging goodboy ni skusta clee.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.