Ama ni Heart Evangelista, nanghinayang noong hindi siya dumalo sa kasal ng anak.

Nanghinayang ang ama ni Heart Evangelista na si Reynaldo Ongpauco na hindi siya nakadalo sa kasal nang anak at ni Sorsogon Governor, Chiz Es...

62

Nanghinayang ang ama ni Heart Evangelista na si Reynaldo Ongpauco na hindi siya nakadalo sa kasal nang anak at ni Sorsogon Governor, Chiz Escudero noong 2015.

Sa vlog ni Heart sa kanyang YT channel, walang sinabing dahilan kung bakit hindi nakapunta ang kanyang ama pero sana raw ay nasaksikan niya ang pag-iisang dibdib ng kanyang anak at ni Chiz dahil ito ay isa sa mga pinakamahalagang okasyon sa isang couple. Anim na taon nang kasal ang dalawa.

“Six years and a lifetime more to go with us at each other’s side. I wouldn’t have it any other way. Thankful for all the big and small moments we’ve had, and everything else in between! Happy Anniversary, mon amour,” ito ang mensahe ni Heart para sa kanyang asawa na ibinahagi niya sa kanyang social media account.

Dalawang buwan ng nasa Sorsogon ngayon ang ama ni Heart dahil meron siyang ipinapagawang bahay at binabantayan niya ito.

Gusto daw niyang tumira dito dahil sariwa ang pagkain at konti lang ang kaso ng sakit. Makikita sa vlog na maayos si Chiz at Reynaldo at matatandaang meron silang hindi pagkakasunduan noon.

Biniro pa ni Heart ang ama at si Chiz na magyakap kung wala na talagang problema pero nagtawanan lamang ang dalawa. Hindi daw masyadong expressive ang dalawa kaya hindi nila ito ginawa pero maayos na maayos naman daw sila ngayon.

Ibinahagi dati ng kapuso aktres Heart Evangelista ang ilan sa mga routine nilang dalawa ng kanyang asawa na si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa kanilang bahay.

Sa isang interview sa kanya ni Dr. Aivee Teo sa kanyang vlog na ‘Heart to Heart Talk + Birthday Surprise for Heart Evangelista-Escudero’ sinagot si Heart ang ilang tanong mula sa kanyang mga taga hanga. Inamin niya na hindi raw siya nagbibihis sa harap ng kanyang asawa.

“Ako pag natutulog ako super gown ako, naka ano talaga ako, silk. I’m wearing silk robe na maganda, because wala ka na ngang make up, gandahan mo na. It feels good ah, even in the morning, it feels good to wake up like that

“My dad would always tell me ‘you have to leave a little bit for yourself, so, if you go to the toilet, close the door, if magbibihis ka don’t dress in front of your husband.” dagdag pa ng aktres.

Read also:

Reaksyon Ni Heart Evangelista Nang Tanungin Ni Chiz Tungkol Sa Naggastos Niya Sa Pagta-Travel

Kamakailan lamang, naging laman ng iba’t ibang socmed platforms ang aktres na si Heart Evangelista matapos ang kaniyang nakakatuwang reakyon ng siya ay tanungin ng kaniyang asawa na si Chiz Escudero tungkol sa mga perang kaniyang nagagastos tuwing siya ay naglilibot sa iba’t ibang lugar.

Mayroong isang edited video ang in-upload ng aktres kung saan ang boses ng kaniyang asawa ay maririnig sa background nito at ang kaniyang reaksyon naman ay makikita.

Ang maikling video clip din ay magpapakita kung paano nawala ang pagiging elegante at classy ng magandang aktres matapos marinig ang nakakatawang tanong ng dating Senador.

Ngunit, matapos iyon, bigla nalang hindi nakita si Heart at hindi na kailanman nagpakita sa video. Hindi din sumagot si Heart sa tanong nito kung kaya’t marami sa mga netizens ang nais malamang ang kaniyang sinagot sa tanong ng asawa.

Tanong sa kaniya ni Chiz,

“Magkano ginastos mo sa byahe mo?”

Ang maikling video clip ay mayroon na kaagad na mahigit sa 1.1 million views sa Twitter at nagkaroon kaagad ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“Wahahahahahaha!!! This is too funny!”

“Why you left us hanging? Kelangan namin malaman pano mo sya sinagot.”

“Hahaha bakit gustong gusto ko ngayon ‘tong si madam Heart. Cute cute grrr hahaha.”

“So me when being asked kung magkano nagastos sa Watsons hahaha. Ang cutiee niyo, miss Heart!”

Sa naunang ulat, inamin ni Heart na nararamdaman niya din kung ano ang nararamdaman ni Anne Curtis tungkol sa kaniyang sentimyento sa mga tao na paulit ulit na nagtatanong tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Si Love Marie Ongpauco-Escudero o Heart Evangelista ay isang kilala aktres at visual media artist. Marami na din siyang papel na ginampanan sa ilang teleserye katulad ng “My Korean Jagiya” at “Legacy.