Andi Eigenmann At Philmar Alipayo, May Ibinunyag Sa Publiko Tungkol Sa Kanilang Bagong Silang na Anak

Matapos ang matagal na paghihintay, sa wakas ay ibinahagi na nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa publiko ang pangalan ng kanilang sang...

384

Matapos ang matagal na paghihintay, sa wakas ay ibinahagi na nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa publiko ang pangalan ng kanilang sangg0l na anak.

Sa kaniyang Instagram account, pinakita nila sa kanilang mga fans at followers ang larawan ng kanilang baby boy.

Sa Instagram post ng aktres na si Andi, inalala niyang muli ang eksaktong oras at petsa kung kailan niya ipinanganak ang kaniyang napaka cute na baby boy at pagtanggap dito sa kanilang ‘Island Life’.

Saad ni Andi a caption ng post,

“And just like that, my heart has grown even bigger once more.

On the 17th day of January, 2021 at 10:09am,

we welcomed the newest member of our family.

Hello world! Meet our little island boy, Koa.♥️”

 

 

Sa kabilang banda, inihayag naman ni Philmar ang nararamdamang kasiyahan at excitemed para sa pagkakaroon muli niya ng anak na lalaki.

Ayon sa kaniya,

“Me happy island boy, Koa Eigenmann Alipayo ♥️ I’m over the moon to have you in my life nak!

So happy and excited to welcome you in our family. Also so happy to have another boy in our family to help me love and take care of the girls”

 

 

Ayon sa mga fans, ang “Koa” ay isang salita mula sa Hawaii na ang ibig sabihin ay ‘bravery’ o katapangan.

Sa huling linggo ng kanyang pagbubuntis, ibinahagi ni Andi ang kaniyang mga naranasan at napagdaanan sa kaniyang pangatlong pagbubuntis.

Aniya,

“I hope I savored this pregnancy enough! What a truly beautiful experience this was. This journey has taught me to love my body, to appreciate it, and to believe in it so much more. As this journey comes to an end, another one begins. This time around my focus is not on getting my old body back. Just on taking great care of it as a way to show gratitude for carrying and protecting the people that has showed me what I am destined to be- the honor of being their mom.”

 

 

Sa iba pang post, nagbigay din si Andi ng mensahe para sa kaniyang dalawang anak na sina Ellie at Lilo bago pa man niya ipinanganak ang kaniyang pangatlong anak.