Angel Locsin, Mαgiging Buhαy-Reyna Matapos Pαкαѕαℓαn ang Tagaρagmanang si Neil Arce

294

Isa si Angel Locsin sa mga pinakahinahangaang personalidad sa showbiz. Talagang maraming kalalakihan ang ibibigay ang lahat mabihag lamang ang puso ng Kapamilya aktres. Bukod sa kanyang taglay na kagandahan, hindi maipagkakailang mabuti rin ang kalooban nito.

Ngunit may isang maswerteng lalaki na ang bumihag sa puso ni Angel! Si Neil Arce, isang film producer, ang kasalukuyang fiance ni Angel.

Ilang taon na rin ang relasyon ng dalawa, at noong taong 2019, tuluyan na ngang nag-propose si Neil sa kanyang girlfriend. Agad namang ibinigay ni Angel ang matamis na oo niya. Ayon sa celebrity couple, maaaring maganap ang kasal nila ngayong 2021.

Hindi maipagkakailang napakaswerte ni Neil sa kanyang fiance, ngunit maging si Angel ay pinalad rin sa kanyang soon-to-be husband.

Bukod sa kabutihang loob nito, talentado rin si Neil sa larangan ng paggawa ng pelikula. At paniguradong magiging secured ang future ng mag-asawa dahil tagapagmana si Neil ng kanilang family business.

Bukod sa pagiging film producer nito, kilala rin si Neil sa larangan ng poker. Sa katunayan, naging champion na rin siya sa mga international poker games. Sumali rin si Neil sa Asian Poker Tour Championships, at isa rin siya sa mga shareholders ng Metro Card Club sa Pilinas.

“Napakasuwerte ni Angel dahil napakaresponsableng lalaki ang pakakasalan niya. Nakatrabaho na namin siya, kapag may sinabi siya, tinutupad niya. Huwag na ang sobrang yaman ni Neil, nag-iisang tagapagmana kasi siya ng family nila, hindi ‘yun mauubusan!” Ito ang pahayag ng isa sa mga katrabaho ng celebrity couple.

Maraming tao ang humahanga sa katatagan ng relasyon ni Neil Arce at Angel Locsin. Kahit ano mang pagsubok o kontrobersya ang dumating sa kanila, hinaharap nila ito ng magkasama. Kaya naman napakaswerte ni Neil at Angel sa isa’t-isa.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Bagong Larawan Ni Angel Locsin, Usap-usapang Muli Sa Social Media!

Naging usap-usapan sa social media kamakailan lamang ang bagong larawan ng aktres na si Angel Locsin na kumalat online.

Noong nakaraang taon lamang ay naging usap-usapan din online ang larawan ni Angel kung saan makikita ang malaking pagbabago sa kaniyang timbang.

Sa nasabing larawan, makikita na nakasuot si Angel ng kulay dark green na shirt, itim na pants, at mayroong dalang itim na backpack.

Kaagad namang nagpakita ng suporta ang mga netizens sa aktres at sinabi na wala na siyang dapat patunayan pa dahil hanggang ngayon si Angel pa din ang ‘real-life Darna’ sa bansa.

 

 

Iginuhit pa nga ng isa sa kaniyang mga fans na si Klayton Ramos ang chubby na hitsura ni Angel suot ang isang Darna costume.

Paliwanag ni Klayton,

“Darna is just an ordinary girl. She aims to help no matter what other people would think of her as long as she can be a catalyst to this world.”

Dagdag niya,

“She is careless about her body as long as she can help other people. Like Angel Locsin, the real-life Darna, hindi niya kailangan ng papuri dahil ang importante sa kanya ay ang makatulong sa kapwa.”

Marami namang netizens ang sumang-ayon sa post ni Klayton at sinabi na tunay nga na isang superhero si Angel. Sinabi pa ng ilan na si Angel ang tunay na superhero habang si Darna ay isang fictional character lamang.

 

 

At kamakailan lamang ay muli na namang naging usap-usapan sa social media si Angel. Ito ay matapos maging viral ang kaniyang bagong larawan kung saan makikita na siya ay nakasuot ng pulang dress.

May nagsasabi na si Angel ay “living proof that weight doesn’t define beauty.”

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Pag si Angel yung mataba maganda, pag kami but*nding.”

“Kaht chubby ang ganda padin”

 

 

“Darna nyo busog na! Haha L1nt3k lakas padin ng dating”

“Si Angel kahit tumaba, maganda pa rin kasi busilak ang puso niya and yun yung lalong nagpapaganda sa kanya.”