Artistahin anak ni Dabarkads Wally Bayola na si Lyza, kilalanin!

120

Isa sa sikat at napaka talentadong komedyante si Dabarkads Wally Bayola na ka-duo ng isa rin sa sikat na komedyante ngayong henerasyon na si Jose Manalo.

Maraming hindi nakakaalam na meron na siyang limang naggagandahan at nagguwapuhang anak. Isa na rito ay si Lyza Bayola na talaga namang head turner sa kanyang angking kagandahan.

Hindi mo din aakalain na meron na pala siyang anak na si Zafira Lois.

Super fan din si Lyza sa Daddy niya lalo na noong gumanap siya bilang Lola Nidora sa Kalyeserye na nagpakilig sa milyong milyong tao dahil sa tambalang ALDUB nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nagpost pa siya sa kanyang Instagram account:

“Hats off to this versatile actor.. Keep up your great job and continue to bring laughter and tears to other people but don’t forget to get some rest rin, hehe.. I love you, papa! Kudos to you and to the whole cast of Kalyeserye.”

Madalas din noon dumadalaw si Lyza sa Eat Bulaga Studio at nakabonding narin niya ang mga co-host ng kanyang ama sa Eat Bulaga. Base sa kanyang social media ay close din ito kay Alden Richards.

Nagpost na ito ng larawan na magkasama sila habang nakayakap sa kanya ang pambansang bae. Abot langit ang tuwa ni Lyza ng una niyang makita ang Pambansang Bae na si Alden Richards noong 2015 sa personal dahil fan na fan siya ng ALDUB.

Marami mang napandaanang pagsubok ang pamilya ni Wally ay naging matibay parin ang samahan nila ng kanyang asawa at mga anak.

Read also:

KC Concepcion, Pinasalamatan Ang Inang Si Sharon Dahil Sa Magandang Relasyon Niya Sa Kanyang Mga Half-Siblings

Hindi naging madali ang childhood ng aktres at singer na si KC Concepcion. Kahit pa only child lamang si KC ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, blessed naman ang aktres dahil marami siyang kapatid.

Sa Instagram, nag-dedicate ang aktres ng isang taos-pusong message para sa kanyang mga half-siblings, na talaga namang mahal na mahal niya. Ngunit sa kabila ng paghihiwalay ni Gabby at Sharon noong 1987, nagawa nilang palakihin ng maayos ang kanilang anak.

Ayon kay KC, kahit pa nagkaroon na ng kanya-kanyang pamilya ang kanyang mommy at daddy, natutunan na rin niyang mag-adjust sa kanilang ‘blended’ family. Grateful din daw ang aktres dahil sa kanyang mga mapagmahal na kapatid.

“For those of you who don’t know, my parents married in their teens and unfortunately separated when I was a toddler. Today they have their own families, who are also my own. I keep close to my siblings, or at least I do my part to, and tbh giving importance and nurturing relationships between both my families can be tough-always a balancing act,” pahayag ni KC.

Sa katunayan, mas lalo siyang napalapit sa kanyang mga siblings. Hindi raw ito madali, lalo pa’t dalawang sides ang kailangang pakisamahan ni KC.

Sa kabila ng lahat, kinakaya niya raw ang ‘balancing act’ na ito para masiguradong mayroon siyang maayos na pakikisama sa kanyang mga kapatid.

“I love them all and my life wouldn’t be complete without them! People who have never been in my situation could probably never relate. Will I even have more mental space or energy to make my own one day? Lol love my unconventional blended family. Who can relate?”

Ayon pa kay KC, malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang inang si Sharon, dahil ito raw ang nag-eencourage sa kanya na makipag-close sa kanyang mga kapatid.

Sa kabilang banda, nakatanggap naman ng maraming reaksyon ang post na ito ni KC. Maraming netizens rin ang talagang bumilib kay KC dahil sa pagiging responsable at mapagmahal na ate nito sa kanyang mga kapatid.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.