Babae, Inis Na Inis Sa Kapatid Matapos Gawin Ito Sa Biniling Ready-To-Fry Chicken Ng Jollibee

Siguro walang kaalam alam ang kanyang kapatid kaya niya ito ginawang adobo. Ano kaya ang lasa nun?

297

Lahat naman siguro tayo ay nag cra-crave na sa mga pagkain na madalas inoorder sa fast food. Gaya na lamang sa Jollibee,McDo, KFC at iba pang uri ng fast food chain. Dahil nga sa ECQ o Enhanced Community Quarantine ay hindi tayo makakadaling lumabas para matikman lang ang mga pagkain na gusto nating kainin. Yung iba ay nagpapadeliver nalang ng gusto nilang kainin yung iba naman ay nagluluto ng sariling pagkain. Ngunit, may ibat ibang pakulo ang mga binibilihan natin ng ating paboritong pagkain gaya na lamang ng Jollibee kung saan binibenta nila ang kanilang manok kung saan ito ay ready to cook na at may sariling sangkap nila mismo. Sa ganoong paraan, ay parang kumakain kalang talaga sa Jollibee dahil sa kanilang espesyal na manok. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang netizen na si Emsy, ang nag post tungkol sa kanyang karanasan matapos mag pa deliver ng ready to fry na manok mula pa sa Jollibee.

Marami ang natuwa dahil imbis na prituhin ay ginawa itong adobo ng kanyang kapatid. Ito ay naging katawa-tawa sa socmed matapos umabot sa 23,000 reacts at 34,000 shares. Nag biro pa si Emsy na parang gusto niya daw mag “prito” ng kapatid. Siguro walang kaalam alam ang kanyang kapatid kaya niya ito ginawang adobo. Ano kaya ang lasa nun?

Dr. Willie Ong, Nagbabala sa Pag-Inom ng Bottled Water Dahil sa Masamang Epekto Nito sa Ating Kalusugan

Talagang convenient ang paggamit ng bottled water. Kahit saan ay maari mo itong madala, at mura pa ito. Dahil dito, talagang nakakapanghinayang na basta basta na lang itapon ang plastic bottle. Kaya naman maraming tao ang hinuhugasan lamang at ginagamit pa ito ulit. Ngunit alam niyo ba na may epekto pala ito sa ating katawan?

Nagbahagi ng kaalaman si Dr. Willie Ong tungkol sa epekto kapag ginagamit ulit ang plastic bottle. Ayon kay Dr. Ong, maaaring magkaroon ng di-magandang epekto sa katawan ang pag-inom ng tubig mula sa lumang bottled water. Ipinaliwanag niya rin kung paano ito nangyayari.

Malinis naman daw ang tubig sa bottled water, ngunit nagsisimula ang problema kapag paulit-ulit na itong ginagamit. Ayon kay Dr. Ong, kapag paulit-ulit itong ginagamit ay maaaring magkaroon ng yupi ang bote.

Dahil dito, maaaring mahaluan ng chemical mula sa plastic ang tubig na iniinom mo.

“Ang problema, pag inulit-ulit mo yung bottled water magkakayupi-yupi na siya, dahil dito yung plastic nito pwedeng pumunta sa tubig. Yung masamang chemical ng plastic pwedeng pumunta sa tubig at pag nainom natin yung bottled water, may masamang epekto sa endocrine system natin ito.”

Dagdag pa niya, kapag naapektuhan ang iyong endocrine system ay maaari itong makapagdulot ng masamang epekto sa iyong kalusugan.

Sa mga kababaihan, maaari silang makaranas ng maagang buwanang dalaw. Samantalang ang mga kalalakihan ay maaaring magulo ang hormones.

Bukod pa dito, wag rin daw hahayaang mainitan ng araw ang plastic bottle, dahil maaaring matunaw ang chemicals sa plastic. Kaya naman ang payo ni Dr. Ong ay wag paulit-ulit na gamitin ang bottled water, at kung may pera ay mas magandang gumamit ng tumbler na matigas ang plastic.

Panoorin ang buong video dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

4 na Deℓιкαdng Dahilan Kung Bakit Hindi Mo Dapat Ilagay sa Ref ang Itlog

Tuwing namamalengke, paniguradong hindi mawawala ang itlog. Bukod sa murang halaga nito, maaari rin itong ihalo sa iba’t-ibang putahe. Kaya naman karamihan sa atin ay hindi nakakalimutan ang itlog tuwing namamalengke o naggo-grocery.

Ngunit alam mo ba kung paano patagalin ang itlog? Karamihan ay inilalagay ang itlog sa refrigerator, dahil naniniwala silang mas magtatagal ito. Ngunit ayon sa mga eksperto, kabaliktaran pala ito!

Taliwas sa inakala ng karamihan, hindi mabuti ang paglalagay ng itlog sa refrigerator. Maaari rin itong makaapekto sa iyong niluluto! Narito ang mga maaring mangyari kapag inilagay mo sa loob ng iyong refrigerator ang itlog.

1. Hindi mabilis mabulok ang itlog

Maraming nag-aakala na mabilis mabulok ang itlog sa room temperature, ngunit hindi ito totoo. Sa katunayan, kapag na-freeze sa sobrang lamig na temperatura ang itlog, maaaring maapektuhan ang lasa nito at maaari itong umasim.

2. Mas angkop para sa baking

Mahilig ka rin bang mag-bake? Kung oo, iwasan mong ilagay sa loob ng ref ang mga itlog na ginagamit mo. Karamihan sa mga baking recipe ay gumagamit ng itlog na nasa room temperature lamang, dahil mas madali itong ma-whip kumpara sa mga itlog na nakalagay sa loob ng ref.

3. Maaaring dumami ang bacteria

Kapag nalamigan ang itlog sa ref at inilabas mo ito, maaaring magkaroon ng condensation sa egg shell nito. Dahil dito, maaaring bumilis ang bacteria growth at ma-contaminate ang itlog.

4. Maaari lamang ilagay sa ref kung sa tingin mo ay may salmonella ito

Kung sa tingin mo ay kontaminado ng salmonella ang itlog, maaari mo itong ilagay sa ref. Ayon sa mga eksperto, ang salmonella bacteria ay mamamatay sa malamig na temperatura.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.