Babae, Nangitim ang Mukha at Nag-Agaw Buhay Dahil sa Ipinahid na Pampaganda?

1143

Marami sa atin ang nangangarap na gumanda. Kaya naman kung ano-anong kolorete ang sinusubukan natin para lamang masiguradong makinis ang ating balat. Ngunit kailangan pa ring maging mapanuri sa ating mga produktong ginagamit. Sa panahon ngayon, maraming nagkalat na pekeng produkto o di kaya’y mayroong delikadong kemikal na maaaring makasira sa ating balat.

Kamakailan lang, ibinahagi ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kwento ng isang lady guard na si Evelyn. Katulad ng maraming babae ay mahilig rin si Evelyn sa mga kolorete sa kanyang mukha. Ngunit hindi niya inaakala na ito na pala ang maglalagay sa kanya sa bingit ng panganib!

Ayon sa asawa niyang si Romeo, dati pa man ay mahilig ng magpaganda si Evelyn. Maalaga rin daw ito sa kanyang balat, kung kaya naman kung ano-anong produkto ang inilalagay nito sa kanyang mukha.

Ngunit isang araw, nagulat na lamang daw sila nang mangitim ang mukha nito! Di nagtagal ay sinugod nila si Evelyn sa ospital dahil halos hindi na rin ito makapagsalita.

“Naawa ako sa aking mama dahil nagkaganyan ang mukha niya. Ang ganda ng mama ko, bakit naging ganyan ang kanyang mukha? Nagkasugat-sugat na. Kung mag-trabaho siya, magpapaganda talaga siya. Maarte talaga siya sa katawan,” pahayag ni Meshiel, na isa sa mga anak ni Evelyn at nagbabantay sa kanya sa ospital.

February 15 raw nang nagsimula si Evelyn na gamitin ang koloreteng iyon. Ilang araw ang nakalipas at namaga ang mata nito, hanggang sa nangitim na ang buong katawan niya. Ngunit ayon naman sa isang dermatologist, kung ito ay dahil sa kolorete, dapat ay sa mukha niya lamang ito kumalat at hindi sa buong katawan.

Ilang araw matapos ito ay tuluyang pumanaw na si Evelyn. Hanggang ngayon ay mayroong agam-agam pa rin ang kanyang pamilya sa totoong dahilan ng kanyang pagkasawi.

Sa kabilang banda, ayon naman sa mga doktor na sumuri kay Evelyn, mayroon siyang toxic epidermal necrolysis. Isa raw itong adverse reaction mula sa pag-inom ng gamot. Hindi rin daw ito nakukuha mula sa mga pinapahid lang na beauty products sa mukha.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section below. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Lalaking hindi natatanggap sa trabaho, nagparetoke ng 9 na ulit para gumwapo

Isang binatang Vietnamese ang siyam na ulit nagparetoke ng dahil lamang sa trabaho.

Nakakalungkot lamang isipin na hanggang sa ngayon, nagiging basehan pa rin ang itsura ng isang indibidwal.

Upang matanggap sakanyang nais na pasukang trabaho.

Sa katunayan sa bansang Vietnam, viral ngayon sa social media ang isang binatang nagpasyang sumailalim sa siyam na beses na pagpapa retoke o plastic surgery matapos ilang ulit na hindi tanggapin sakanyang mga ina-aplayang trabaho.

Nag-viral sa TikTok ang 26-anyos na si Do Quyen.

Matapos ipakita ang dati niyang hitsura bago iparetoke ang buong mukha ng siyam na beses.

Ikinagulat ng mga followers ni Quyen ang pagkakaiba ng kanyang dating hitsura.

Na tila magkaibang tao ang before and after pictures niya.

Ayon kay Do Quyen, makailang ulit niyang naranasan na pagtawanan at tuksuhin dahil sakanyang hitsura.

Naapektuhan rin nito ang kanyang self-esteem at tiwala sa sarili.

Dahil kahit saang kompanya siya sumubok na mag apply, ay umuuwi siyang luhaan

Dahil hindi siya matanggap dahil lamang  sakanyang pisikal na katangian.

Bagay na nagtulak sakanya upang magpasyang sumailalim sa plastic surgery hindi lamang ng isa o dalawang beses kundi siyam na beses.

Kabilang sa mga prosesong pinagdaanan ni Quyen ay ang mga sumusunod: rhinosplasty, chin implant, porcelain veneers, lip reshaping, double eyelid surgery, lip implants at iba pa.

Umabot sa US$17,256 o katumbas ng P847,977 ang kanyang nagastos para sa mga nasabing surgeries.

Aminado ang binata na tutol sakanyang pagpapa retoke ang kanyang mga magulang ngunit pursigido siyang baguhin ang kanyang katangiang pisikal

Hindi para sa ibang tao kundi para sakanyang sarili.

Anong masasabi mo rito?

Babaeng sumasailalim sa 20 lip filler injections para magkaroon “perfect lips”

Pagdating sa kagandahan, lahat ng tao ay may magkakaibang pamantayan at kahulugan kung ano talaga ito. Maaaring pahalagahan ng isa ang mga likas na katangian ng isang tao habang ang isa pa ay mukhang naghahanap ng iba pa at sa gayon ay nagtatapos na kinakailangang sumailalim sa mga pagpapahusay sa pag-opera.

Siyempre, hindi natin sila mahatulan ngunit may iilan na kahit papaano ay gumawa ng labis na paggalaw upang maabot ang kanilang mga pamantayan na matawag na “maganda.”

Tulad ng batang babae na ito na nagpasyang sumailalim sa lip filler ay nag-iiniksyon hindi lamang isang beses ngunit dalawampung beses!

Si Andrea Ivanova, isang 20-taong-gulang na ginang na mula sa Bulgaria ay hindi na mabibilang sa pamamagitan lamang ng kanyang mga daliri kung gaano karaming beses siyang sumailalim sa mga operasyon sa pagpuno ng labi upang makamit lamang na matawag siyang babaeng may pinakamalaking labi sa buong mundo! Upang maging eksakto, ang hyaluronic acid ay na-injected sa kanyang mga labi dalawampung beses na.

Ayon sa NZHerald.co, si Andrea ay nagsimulang sumailalim sa mga operasyon noong 2018 at gumastos siya ng isang malaking halaga ng pera mula noon.

Ang bawat paggamot sa pagpuno ng labi ay nagkakahalaga ng hanggang £ 134 ($ 145) at pagkatapos ng lahat ng mga taon, tinatayang gumastos si Andrea ng higit sa £ 2,600 ($ 2,800).

“Mahal ko ang labi ko. Hindi ako sigurado kung ang mga ito ang pinakamalaking labi sa mundo ngunit ang mga ito ay isa sa pinakamalaki, sa palagay ko, ”sabi ni Andrea sa isang panayam.

Matapos ang lahat ng mga pamamaraan, dumaan siya, may mga doktor na binalaan si Andrea ng mga posibleng panganib ng patuloy na pag-iniksyon na mga tagapuno sa kanyang mga labi. Ngunit, sa kabila nito, matatag ang paninindigan niya sa kanyang paniniwala na hindi niya balak na huminto hanggang sa maabot niya ang labi ng kanyang mga pangarap.