Baker, Nawindang Sa Mensahe Ng Customer Na Nag-inquire Sa Kaniya Tungkol Sa Money Cake

Naging viral sa social media kamakailan lamang ang post ng isang lady baker sa kaniyang Facebook account tungkol sa isang customer na nagtan...

1013

Naging viral sa social media kamakailan lamang ang post ng isang lady baker sa kaniyang Facebook account tungkol sa isang customer na nagtanong sa kaniya kaugnay sa kaniyang money cake.

Sa mga nakalipas na taon, hindi maipagkakaila na napaka-popular ng money cake sa mga espesyal na okasyon at iba pang mga pagdiriwang. Maraming tao ang makikitang nagbibigay ng money cake sa kanilang asawa, magulang, o sa kanilang lolo’t lola.

Sa post ng netizen na si Bea Manuel Sigua,, ibinahagi niya ang naging pag-uusap nila ng customer na nagtanong tungkol sa kaniyang money cake.

 

Ang presyo na kaniyang binigay para sa kaniyang ginagawang cake ay P1500 hanggang P1800.. Nais umano sana ng kaniyang customer na P10,000 ang perang ilalagay sa cake at kung maaari ay tig-iisang daang perang papel ang gagamitin sa perang ilalagay sa cake.

Sagot naman ng seller, ang customer ang siyang magbibigay ng pera at mas maganda sana kung nakabarya na ang ibibigay nito. Sumagot ang customer at sinabi na akala niya ang seller mismo ang bahala sa perang ilalagay sa cake kaya nilinaw ng seller na hindi siya nag-aabono ng pera na ilalagay para sa money cake.

 

Saad ng seller,

“Hindi po ako nag aabono sa money cake hindi po ako mayaman ☹️ kung bawat money cake 1500 lang halaga tapos may laman na 10k e di na po ako magbebake oorder nalang ako ng money cake sa ibang baker.”

Kaagad naman naging viral sa social media ang nasabing post at umani ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

 

Narito ang ilan:

“Hahahha nakakaloka naman ung nagtanung sa money cake. gusto free ung 10k grabe na tlga ung pand3mic na to pinagpala yarn? Malulugi c ma’ma Bea nyan”

“Ate gawin ko nang 2k bayad sa money cake basta kasama na 10k hahahhahahahahah”

“Sa bday ko Bey, pagawa ako ng cake worth 1k tas ikaw na bahala sa cash dun sa loob ah”

“Yung feeling na 1,500 lang yung cake tas free sa loob 10k hahaha. Pagawa na ako Cake now na”