Bea Alonzo, malaki raw ang binata simula ng maging boyfriend si Dominic Roque!

649

Mas bumata umanong tignan ang Kapuso actress na si Bea Alonzo simula maging nobyo niya si Dominic Roque.

Kamakailan nga ay nagtrending ang mga larawan ni Bea bilang pinakabagong calendar girl ng Tanduay. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nagpose ng daring ang aktres.

Saad pa nga ng ilan ay tila nag-out na sa kanyang comfort zone si Bea.

Lalo pang nahumaling ang publiko sa kasgandahan at kaseksihan ng aktres ng ibahagi niya ang teaser video sa kanyang IG post.

Ani Bea sa kanyang caption, “The secret is out! I am the TANDUAY CALENDAR GIRL 2022! Woohooo!! Thanks to my Tanduay family for the warm welcome”

 

Ilang larawan din ng aktres sa IG ang talaga namang nagpa-wow sa mga netizens at kapwa niya celebrity.

 

Tila speechless nga ang kanyang kasintahan na si Dominic Roque sa mga litrato ng dalaga. Dahil tanging wow emoji lang ang naging reaksyon nito.

Samantala, sa comment section naman ng post ni Bea, may netizens na nakapansin na mas bumata daw ang aktres.

Ito ay simula daw na maging nobyo nito si Dominic, tila hiyang na hiyang umano si Bea sa pag-aalaga ng aktor sa kanya.

Ani ng netizen, “laki ng binata ni bea nung napunta siya sa mas bata”

Ayon kay Bea, pangalawang beses na daw siyang kinausap ng Tanduay para maging calendar girl ng sikat na liquor brand.

Lahad pa ng Kapuso actress, talagang nag-diet siya para sa naturang project.