Billy Crawford, nakaaksidente ng kanyang kapwa host na si Jeff Tam sa kanilang show na LOL.

123

Ikinwento ni Jeffrey Tam ang tungkol sa isang insidenteng naganap sa noontime show na ‘Lunch Out Loud’

Sa interview ng TV host comedian sa vlog ni Ogie Diaz. Idinetalye nito ang nasabing insidente na kinasangkutan nila ni Billy Crawford.

Nabunyag kasi ito sa show na Take It Perminute. Kung saan sinabi ni Cristy Fermin na sinipa umano ni Billy ang isang box. Dahilan kung bakit nabalian ng buto si Jeffrey.

Ayon naman kay Jeffrey, nagbibiruan lamang sila ni Billy ng mga panahon na iyon. Habang nagte-taping sila ng kanilang show.

Ani Jeffrey, “Actually nagbibiruan kami nun. Meron kaming ano dun na pag may pinatugtog na music, kailangan mong tumambling. So naglabas na ngayon ng balikbayan box, pinatugtog, tumambling si Wacky. Nung part ko na, sinabi ko, ‘Sige, patugtugin niyo. Ako naman”

Ang plano daw talaga ni Jeffrey ay tatalon siya pahiga. Pero laking gulat umano niya na wala na ang box pagbagsak niya.

Pagbabahagi pa nito, “So ako naman, ang balak ko, hindi ako tatambling, tatalon ako yung pahiga. So nangyari na nga, pagtalon ko, pagbagsak ko dun ako nagulat. Sabi ko, ‘Ang sakit.’ Nagdilim yung paningin ko. Yun pala, yung kahon, tinanggal, sinipa.”

Nang marinig ni Ogie ang kabuuan ng kwento, natanong niya si Jeffrey kung ano ang naging reaksyon ng mga co-host niya sa nangyari.

“Nung sinabi mong masakit, anong ginawa nung mga kasamahan mo?” Ani Ogie.

“Ang unang unang lumapit sakin si Billy. Yun ang unang yumakap tapos pinatigil niya yung taping,” sagot naman ni Jeffrey.

Ibinahagi din nito na ng dahil sa nangyari ay nagkaroon ng crack ang kanyang spine. At kinailangan niya magbrace for 2 months.

Sa ngayon maayos naman na daw sila ni Billy. At noong July pa naman daw nangyari ang insidente.