Bugoy Carino, umano ng iba’t ibang reaksyon sa netizens matapos depensahan ang partner na si EJ Laura

106

Umani ng samu’t saring komento ang young actor na si Bugoy Carino matapos itong magbahagi ng Tiktok video kasama ang kaniyang partner na si EJ Laure, isang dating UAAP Volleyball player ng University of Sto. Tomas.

Dito kasi ay napansin ng netizens ang hubog ng katawan ng dating atleta at sunod-sunod na makikita sa comment section ang pang bobody shame kay EJ.

Bukod pa rito ay pinuntiryang muli ng bashers ang kanilang age gap dahil si Bugoy, 19, at EJ, 24, ay limang taon na ring magkasintahan at mayroon na ring dalawang taong anak na si Scarlet.

“mahina na kumilos si ate mo Bugoy kasi ilang taon na lang magiging lola mo na”

“ate nya ba yan?”

“Bugoy ano nagustuhan mo sa kaniya?”

“anyare kay Bugoy”

“groomer pa rin siya”

Kung kaya naman ipinag tanggol si Bugoy ang kaniyang partner sa comment section.

Ani ng aktor, hindi na umano “ganda lang” ang labanan ngayon dahil dapat maalam ka sa buhay at marunong dumiskarte, isang bagay umano na mayroon si EJ.

“MUKHA DAW BAKLA, MUKHANG NANAY, WALA DAW LAMAN PARANG PADER DAW. OK NA YUNG GANYAN KESA NAMAN SA IBANG BABAE NA PURO GANDA AT LAKI NG OSUS LANG LABAN.”

Dagdag pa ng child star at dating Hashtag member, hindi na lamang niya maiwasang matawa sa mga komentong nakikita niya.

“SA PANAHON NGAYON, HINDI MO KELANGAN MAGJOWA NG MAITSURA O MALAKI COCOMELON, MAS MASARAP MAHALIN UNG MADISKARTE AT HINDI MAARTE, SIYEMPRE LOYAL.”

Pagpapatuloy pa ni Bugoy, “AT LEAST SI EJ, MARUNONG SA MGA GAWAING BAHAY, MADISKARTE, HIGIT SA LAHAT LOYAL.

“BAKA UNG MGA NAG COCOMMENTS DYAN UNG MGA NIYO WALANG ALAM SA BUHAY.”