Bumbero, Ipinakita na Maaari Palang Buksan ang Grills ng Bintana ng Mag-Ina na Na-Trap sa Sunσg

89

Isang malagim na aksidente ang gumimbal sa mga residente ng Sta. Cruz, Manila noong Huwebes, April 28. Bandang ala sais ng umaga nang bigla na lamang sumiklab ang malakas na apoy mula sa isang apartment unit sa Elias Street. Ayon sa mga kapitbahay, nakarinig sila ng sunod sunod na putok mula sa bahay. Agad ring kumalat ang apoy, at di nagtagal ay unti-unti na itong nakaakyat sa ikalawang palapag.

Na-trap sa loob ng bahay ang dalawang mag-ina na kinilalang sina Frencenlyn Batol, 36 anyos, at ang kanyang anim na taong gulang na anak. Habang lumalagablab ang sunog, sinubukan ng mag-ina na tumakas mula sa ikalawang palapag. Sa kasamaang palad, hindi na sila nakaligtas mula sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Sa isang video na kuha ng isa sa mga saksi, makikitang sinusubukan pa ng nanay na iligtas ang kanyang anak. Pilit nitong binubuksan ang grills ng bintana sa ikalawang palapag, ngunit hindi nila ito nabuksan. Sa video, maririnig rin ang iyak ng mga вιктιмα habang sinusubukan nilang makatakas.

Pagdating ng mga bumbero sa Elias Street, huli na ang lahat at hindi na nila nailigtas pa ang buhay ng mag-ina. Ang katawan ng bata ay naiwan sa bintana, kung saan siya inilagay ng kanyang ina para makatakas. Ayon naman sa mga bumbero, mayroong safety latch ang grills na iyon at maaaring buksan.

Matapos ang sunog, ipinakita ng isa sa mga bumbero na maaaring mabuksan ang grills upang makalabas ang mag-ina. Ngunit sa sobrang pagkataranta, maaaring nakalimutan ito ng nanay. Ayon rin sa mga kapitbahay, maaaring hindi niya alam ito buksan dahil kakalipat lang ng mag-ina sa apartment unit na iyon.

Sa kabilang banda, ayon sa Bureau of Fire Protection, mayroong isa pang lalaki ang narescue mula sa bahay. Kinilala siya bilang si Jonel Mandap, 36, na kasalukuyang nasa Jose Reyes Memorial Medical Center. Nagtamo si Reyes ng second degree burns sa 79% ng kanyang katawan.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

40-Anyos na Ina na Halos Butσ’t Baℓat, Nangangailangan ng Tulong dahil sa Mαℓυbhα Nitong Kαяåмdαмαn!

Malaking bagay din sa atin ang makabagong teknolohiya gaya ng mga gadgets at internet dahil mas napapadali para sa atin ang dating mahirap gawin. Gaya na lamang ng paghingi ng tulong, maaari ng gamiting ang makabagong teknolohiya para lumapit at manawagan sa mga tao kung ikaw ay nangangailangan at kung ikaw ay wala ng iba malapitan at magawa.

Gaya na lamang ng isang concerned netizen na si Gemma Grezola Diaz, upang siya ay makatulong sa kanyang kapit bahay na si Lorna Padua Buenvieje na may malubhang karamdaman ay ibinahagi niya ang ilang larawan nito. makikita sa larawan na halos buto’t balat na si Lorna.

Si Lorna ay 40-anyos na ina at may dalawang anak. Nakatira sila sa San Carlos City, Pangasinan. Kaya naman, lumalapit at kumakatok sa puso ng mga tao si Gemma para kay Lorna na nangangailangan ng tulong.

Para sa may mabubuting kalooban at nais mag-abot ng tulong ay narito ang kabuuan niyang facebook post:

“Hello po mam/sir humihingi po ako nang kaunting tulong para po sa kapitbahay po namin na si Lorna Padua Buenvieje 40 years old may dalawang (2) anak siya po ay nakatira sa Pangalangan San Carlos City, Pangasinan, siya ay nahihirapan sa kanyang karamdaman..gusto ko siyang matulongan ..
Kaya po sa mga mabubuting loob dyan kelangan po ng tulong Ang pamilya niya Sana nawa’y matulungan sila..

Pakishare nalang po salamat.

Sa mga nais tumulong …

GCASH # 09298504635 Gemma Grezola Diaz”