Caffey Namindang AKA Makaganda, inulan ng suporta matapos ianunsyo ni Christian Merck Grey na ang asawa niya na ang bagong ‘Makaganda’!

113

Mukhang nagdesisyon na ang mga netizens at si Caffey Namindang talaga ang nag-iisang ‘MakaGanda’

Kamakailan nga lamang ay naging usap usapan sa social media ang vlog ni Christian Merck Grey. O mas nakilala bilang si ‘MakaGwapo’

Sa nasabing vlog, official niya na umanong ibinibigay ang title na ‘MakaGanda’ sa kanyang misis na ngayon na si Pam Esguerra.

Si Pam lang umano ang may karapatan na gumamit ng ‘MakaGanda’ na tag name. Dahil siya naman ang nagpa-trade mark noon ayon kay Merck.

Bilang siya si ‘MakaGwapo’ ang misis niya umano ang dapat na tawaging ‘MakaGanda’ at hindi kung sino man.

At ang tinutukoy nga niya ay ang kanyang dating nobya na si Caffey Namindang. Na hanggang ngayon ay kinikilala ng kanyang mga fans bilang si ‘MakaGanda’

Naging diskusyunan nga online kung sino nga ba talaga ang nararapat sa titulong ito. Pahayag kasi ni Pam ay handa silang kasuhan si Caffey.

Kung ipagpapatuloy pa din nito ang paggamit sa pangalang ‘MakaGanda’.

Ngunit tila hindi din papatalo si Caffey dahil aniya kahit pa isearch sa Google o kahit saan mang social media platforms ang ‘MakaGanda’ ay larawan niya ang lalabas.

Inulan din ng suporta ang dalaga mula sa maraming netizens. Ipinagtanggol siya ng mga ito at sinabing siya lamang ang kinikilala nilang ‘MakaGanda’

“Kinasal nangat lahat anyare ?lahat naba kukunin scary”

“kasuhan mo na kaya pati tiktok youtube google na ginagamit ang makaganda pero muka ko ang lumalabas owshee”

Ilan lamang ito sa pahayag ni Caffey.

May mensahe din siya para sa isang taong hindi na niya pinangalanan ngunit tinawag niyang tita.

“Mang aapak ka ng tao kasi mas may pera ka? mali yun tita . wala e panahon nyo ngayon e .hintayin nyo pag panahon ko na at malapit nayun.”