Carlo Aquino, nalungkot dahil sa kanyang naudlot na dapat role sa trending na korean series na ‘Squid Game’

154

May role pala dapat ang Filipino actor na si Carlo Aquino sa Squid Game.

Ang Squid Game ay Netflix original series na may temang drama at survival. Ang mahusay na direkto na ito ay si Hwang Dong Hyuk.

Trending ngayon sa social media ang series na ito kung saan naglabasan ang kabikabilang memes.

Pero dapat pala ay mapapanood din natin si Carlo Aquino sa series na ito.

Sa naging Instagram story ng kapatid ni Trina Candaza na si Beatrice Candaza, ibinahagi nito na dapat ay may role talaga si Carlo sa naturang palabas.

Aniya, “@jose_liwanag was supposed to play a role in #SquidGame but travel restrictions happened. I remember @trinacandaza calling me and saying that they’ll stay in Korea for a few months back in 2020. I’m sure there would be more opportunities!”

Si Beatrice ay ang kapatid ni Trina na siyang asawa naman ng aktor.

Sa isang Instagram post noon ni Carlo, ibinahagi niya ang larawan kung saan makikita ang isang handwritten card mula sa direktor na si Hwang Dong-Hyuk.

Sabi sa sulat, “Dear Carlo, thank you for your efforts. Looking forward to working with you in the near future.”

Tila ang role ng aktor sa Squid Game ang binabanggut nito sa sulat.

Sa kabilang banda, nirepost naman ni Trina ang IG story ng kanyang kapatid.

Nagpakita pa din siya ng suporta para sa kanyang asawa, “I’m still proud of you @jose_liwanag! Isipin ko na lang ikaw si Ali.”

Si Ali ay isang character role din sa Squid Game.

Trina Candaza ipinakita ang simple at tahimik pero masayang buhay nila ng partner niyang si Carlo Aquino at ng anak nilang si Enola

Ibinahagi ni Trina Candaza kung paano kasimple ang pamumuhay nila ngayon ng aktor na si Carlo Aquino.

Matatandaang, Enero 2019 noong unang lumabas ang balitang nag-uugnay kay Carlo at Trina.

Hulyo 2019, kinumpirma ni Carlo na masaya siya kay Trina. Noong Setyembre 2019 naglabas si Carlo ng larawan na kasama si Trina sa unang pagkakataon.

Pebrero noong nakaraang taon ay sinabi ni Carlo na masaya siya sa kanyang karera at personal na buhay.

Ayon kay Carlo, nag-iba ang pananaw niya sa buhay ng maging sila ni Trina.

Pagababahgi pa noon ni Carlo na hinanap daw niya talaga si Trina sa social media matapos niya itong makilala sa isang car show.

Nakita raw ni Carlo si Trina sa isang car show dahil isa ito sa mga models doon.

Makalipas ang ilang linggo, hinanap daw ni Carlo si Trina sa social media.

Mula nang nagkapalagayan sila ng loob, dire-diretso na raw ang pagbuti ng kanilang samahan.

Higit isang taon nang magkarelasyon ngayon sina Carlo at Trina. Mayroon na silang anak—ang nine-month-old na si Enola Mithi.

At kamakailan lamang, sa vlog ni Trina ay ipinasilip nito kung gaano sila kasaya simpleng buhay may pamilya.

Ine-enjoy nina Trina at Carlo ang kanilang bonding tuwing umaga na magkasabay nag-aalmusal.

Habang nanonood ng NBA, namamalengke, naggo-grocery, at nag-iikot ikot sa malls ng magkasama.

Tuwing nasa bahay naman sila ay makikita ang pagiging hands-on dad ni Carlo sa kulitan nilang mag-ama.

At syempre bilang isang mabuting mister para kay Trina.

Sa panayam noon ni Carlo sinabi nito na ang hangad lamang niya ay isang masayang pamilya.

“Maging masaya. ‘Yun lang naman, eh. ‘Yun lang naman ang ultimate goal ‘di ba. As of now masaya naman kami.”