Carmina At Zoren Legazpi, May Malaking Sikreto Na Matagal Itinago Sa Kanilang Mga Anak

Natatandaan niyo ba pa ang nag iisang BB Gandanghari na kilala noon bilang isang sikat na action star na si Rustom Padilla? Mayo 2006 nang g...

198

Natatandaan niyo ba pa ang nag iisang BB Gandanghari na kilala noon bilang isang sikat na action star na si Rustom Padilla?

Mayo 2006 nang ginulat niya ang publiko sa kaniyang rebelasyon na siya ay isa palang transg3nder. Ngunit, bago pa man naging transg3nder ang dating action star at pinalitan ang pangalan bilang BB, siya ay nagkaroon muna ng relasyon sa dating kasintahan na si Carmina Villaruel na tumagal din ng ilang taon. Gayunpaman, ang kanilang relasyon ay natapos din dahil sa nangyari.

Si Carmina naman ay masaya na ngayon sa piling ng aktor na si Zoren Legaspi. Ang dalawa ay ikinasal noong Nobyembre 2012 at nabiyayaan sila ng isang kambal na anak. Gayunpaman, napagdesisyunan nina Zoren at Carmina na itago sa kanilang kambal na anak ang totoong nangyari sa past ni Carmina.

 

Ngunit, habang lumalaki ang kambal na sina Cassie at Mavy ay napagpasyahan na din ng celebrity couple na sabihin ang tungkol dito sa kanilang kambal pagdating ng tamang panahon dahillalong lumalala ang mga balita na naririnig ng mga ito.

Pagbabahagi ni Zoren sa kaniyang panayam sa Philippine Entertainment Portal (PEP),

“We wanted to tell them sa tamang paraan at sa tamang panahon. Sa pagkakaalam kasi ng kambal, kasal na kami ni Mina sa isa’t-isa. Tinago talaga namin hanggang hindi pa nangyayari ang matagal ko nang pangako kay Mina. Ayaw din naman naming ma-confuse ang kambal kaya hindi muna namin sinasabi.”

Si Carmina naman ay humingi ng sign sa Diyos kung kailan ba nila maaaring sabihin sa kambal ang tungkol dito.

 

Dagdag ni Carmina,

“Kaya tamang timing lang na nangyayari na ang lahat ng ito sa amin. Parang sign from God na kailangan sabihin na namin sa mga bata. It’s best nga naman na maging open na ako sa mga anak namin–tungkol sa nakaraan ko kesa sa ibang tao pa nila malaman, di ba?”