Cristy Fermin, binweltahan na si Manny Pacquiao patungkol sa pagtatanggol nito kay Jinkee: “Hindi gunggong ang sambayanang Pilipino”

393

Umuugong na naman ang pangalan ngayon ng kolumnista at radio host na si Cristy Fermin, dahil sa mga naging pahayag ni Boxing Champ at Senador na si Manny Pacquiao. Ito ay matapos ipagtanggol ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang asawa na si Jinkee patungkol sa mga pag-post ng halaga ng pananamit nito.

Source:IG/jinkeepacquiao

Matatandaan na noon lamang August 24 ay binatikos ni Cristy Fermin at tinawag na ‘walang kahihiyan’ ang pagsusuot ni Jinkee ng mamahaling damit sa kabila ng maraming tao ang nagugutom sa kalagitnaan ng pandemya. Kaya naman dahil din dito, normal lang na ipinagtanggol ni Sen. Manny ang kanyang asawa. Dito sinabi niya na pinaghirapan naman nila ang ipinambibili ng suot na mga damit ni Jinkee at mukha lang daw mamahalin ang mga ito.

Source:IG/jinkeepacquiao

Ngunit, hindi naman naging kumbinsido si Cristy sa katwiran ni Sen. Manny dahil totoo naman talagang mahal ang mga damit na isinusuot ni Jinkee at hindi daw ito mumurahin. Pahayag ni Cristy, “Hindi namna po gungong ang sambayanang Pilipino para maniwala na ang Louis Vuitton, ang Hermes at iba pang branded stuff na isinosoot ng inyong misis ay mumurahin lang, wag naman.”

Source:IG/jinkeepacquiao

“Kumbaga na defeat yung purpose mo doon, hindi totoo ‘yon mamahalin talaga kaya lang totoong wala kaming pakialam doon, pero sabihin mo mukha lang mamahalin pero mura lang teka parang isang malaking argumento ito senator Pacquiao,” dagdag pa niya.

Ang isa naman sa mga kaibigan ni Cristy ay tila napaisip kung itinatago ba ni Jinkee sa kanyang asawa ang presyo ng mga ibinibili nitong mga gamit. Itinanggi din ng kolumnista na hindi siya naiingit sa mga isinusuot ni Jinkee. Sinabi pa ni Cristy na wala daw talaga sa timing ang pagsusuot ni Jinkee ng mga mamahaling damit.

Source:IG/jinkeepacquiao

Saad pa niya, “Yung timing na tinatawag napakahalaga ‘non, magiging sensitive tayo dapat sa ating kapaligiran lalo na kondisyon ng ating bayan at ng buong mundo.”

Source:IG/jinkeepacquiao

Ayon pa kay Cristy, na sa presyo ng mga gamit ni Jinkee ay kaya na nitong pakainin ang isang buong barangay. Samantala, wala pang tugon si Sen. Manny at Jinkee sa mga bagong banat sa kanila ng kolumnista.

Manny Pacquiao, dinepensahan ang asawang si Jinkee mula sa mga pagbabatikos sa halaga ng kasuotan umano nito: “Hard-earned money ko yan!”

Sa unang pagkakataon hindi na naiwasan ni Sen. Manny Pacquiao na sagutin ang mga pangba-bash na ginagawa ng ibang tao sa kanyang asawang si Jinkee. Ipinagtanggol ni Sen. Manny si Jinkee mula sa mga kritisismong natatanggap umano nito dahil sa mga magarbong pananamit nito na nagkakahalaga di-umano ng milyon.

Source:IG/jinkeepacquiao

Noon nga lamang August 24, ay nakatanggap ng direstahang komento si Jinkee mula sa kolumnista at radio host na si Cristy Fermin dahil sa pagsusuot nito ng mamahaling damit sa gitna ng nangyayaring kahirapan sa mundo. Usap-usapan kasing umabot daw ng Php2.26 million ang suot ni Jinkee noong laban ni Sen. Manny sa Cuban Boxer na si Yordenis Ugás, kaya naman hindi napigilan ni Cristy Fermin na punahin ito.

Source:IG/jinkeepacquiao

Saad pa nga ni Fermin, “Kung mayroon siyang pakialam, dapat ‘di niya inilalantad ang kanyang kayamanan sa pamamagitan ng kanyang mga kagamitan. At, wala pong kahihiyan si Jinkee Pacquiao.”

“Andami-daming nagugutom na pamilya, andaming walang pambara sa lalamunan patungo sa bitkuka, ipagpaparadahan mo lahat ng binibili mo… Wala ka sa timing, hindi ka marunong umunawa sa sitwasyon ng mundo ngayon,” dagdag niya pa.

Source:IG/jinkeepacquiao

Samantala sa naging panayam naman kay Sen. Manny sa ‘One News PH’, ipinagtanggol niya at sinabi niyang wala namang masamang ginagawa kanyang asawa. Dagdag pa niya, iginiit niyang hindi rin naman daw masyadong mamahalin ang mga isinusuot ng kanyang asawa.

Pahayag ni Sen. Manny,

“Yan namang pera na ‘yan dugo at pawis, hard-earned money ko. Hindi iyan ninakaw sa gobyerno. Kung anuman meron kami, dream namin iyon. Dugo at pawis ang puhunan namin para kami’y maging masaya.”

“Unless magsoot kami ng mahirap, magiging plastik din kami.

“Lalo na ang mga politician pagdating ng eleksyon magsosoot yan ng kulang nalang punit punit na damit para magmukhang mahirap, diba? Hindi kami ganon e, hindi kami marunong makipag plastikan.”

Source:IG/jinkeepacquiao

Panoorin ang kabuuang detalye ng mga sinabi ni Sen. Manny patungkol sa pagtatanggol niya sa kanyang asawa. At sa mga sinabi naman na ito ni Sen. Manny ay hindi pa nagbibigay ng tugon si Fermin patungkol sa mga pahayag na ito.