Dating asawa ni Paolo Contis na si Lian Paz at LJ Reyes, finallow ang isa’t-isa sa Instagram na umani ng maraming komento

410

Mukhang magiging magkakampi pa ang mga dating partner ni Paolo Contis na sina Lian Paz at LJ Reyes.

Bago naging live-in partner ni Paolo Contis si LJ Reyes, naging legal wife muna ng aktor ang EB Babes dancer na si Lian Paz. Ikinasal sila taong 2009.

Iniwan ni Paolo si Lian taong 2012 pagkatapos nilang magkaroon ng dalawang anak. Hindi pa annulled ang kanilang kasal.

2015 naman nang nakipag-live-in si Paolo kay LJ na may anak na din sa kanyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino.

Nagkaanak naman sila ng babae na pinangalanan nilang Summer na ngayon ay dalawang taon na.

Hanggang nakaraang buwan lang ng biglang lumabas ang intriga na hiwalay na din sina LJ at Paolo. Na siyang kinumpirma naman ng aktres sa panayam niya kay Boy Abunda.

Hinuha ng marami ay third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan at si Yen Santos nga ang itinuturong babae ni Paolo.

At sa gitna nga ng kontrobersiyang ito, napansin ng mga netizens na naka-follow pala sa isa’t-isa sa IG sina LJ at Lian.

Parang ‘di naman close talaga sa isa’t isa sina Lian at LJ pero ‘di nila inisip na i-unfollow ang isa’t isa.

Ngunit wala namang may alam kung nakakapag-usap ba ang dalawa.

Kung napag-usapan ba ng mga ito ang kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Paolo.

Pero ayon sa ilang netizens, pareho ang pattern ng paghihiwalay nina Paolo at LJ at kina Lian at Paolo. Binanggit nila sa comment section ng Instagram ni Lian.

Walang sinagot si Lian sa mga nagkomento sa kanyang pinakahuling post sa Instagram.

Sa Instagram Stories ni Lian nu’ng September 2, nag-post si Lian ng inspirational message.

Nakasaad doon na kung anuman ang nangyari ay bahagi na lamang ng nakaraan. Magpasalamat na lamang kung ano ang meron tayo ngayon.

Netizens, Di Mapigilang Mapansin ang Parehong Sitwasyon ng Ex ni Paolo Contis na Sina LJ at Lian

Hanggang ngayon ay mainit na usapan pa rin ang biglaang hiwalayan ng celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis. Isiniwalat ni LJ na ilang buwan na rin silang hiwalay at kasalukuyan siyang nasa New York kasama ang kanilang anak. Ito’y matapos ma-link si Paolo sa kanyang latest leading lady na si Yen Santos.

Sa kanyang interview, ibinahagi ni Lj na sinubukan niya pang ayusin ang kanilang pagsasama para sa kapakanan ng mga bata. Ngunit sa kabila nito, si Paolo na mismo ang umaayaw.

Kaya naman walang ibang nagawa si LJ kundi ang kusang lumayo upang makapag focus sa kanilang anak.

“Na-realize ko na parang hindi pwedeng ganito. May mga bata. Nagbaba po ako ng pride kahit alam kong ako po yung nasasaktan. Titiisin ko po yun para sa mga bata, kasi iniisip ko baka kailangan nila ng complete family. Tinanong ko siya if he wants to take us back, pero hindi na raw,” naluluhang pahayag ni LJ.

Hindi naman mapigilang ikumpara ng mga netizens ang di umano’y pattern sa mga naging karelasyon ni Paolo dati.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na mayroon na rin itong ibang anak sa kanyang dating asawa na si EB Babes Lian Paz. Ngunit kahit pa kasal na sila ay nagawa pa rin siyang iwan ni Paolo.

Matatandaang katulad ni LJ, nagbigay rin ng interview noon si Lian Paz. Labis ang hinagpis nito sa kanilang hiwalayan, lalo pa’t mayroon silang anak.

Ngunit desidido na raw mismo si Paolo na makipaghiwalay at iwan ang kanyang pamilya. Ayon kay Lian ay mayroon ring financial problems ang aktor.

“Sabi niya, ‘I’m not doing this because I don’t love you anymore, I’m doing this for you.’ Sabi ko sa kanya, ‘Kung ano man pinagdadaanan mo, asawa mo ako, andito ako para tulungan ka.’ Ang sabi niya, ‘No tama na, kaya mo yan,’” pahayag ni Lian sa kanyang interview noong 2012 matapos silang maghiwalay.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.