Dating Miyembro Ng EB Babes, Mataρang Na Umaming May Rєℓαѕуσn Diumano Sila Ni Jose Manalo

118

𝚂𝚒 𝙹𝚘𝚜𝚎 𝙼𝚊𝚗𝚊𝚕𝚘 𝚊𝚢 𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚋𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚝𝚊𝚗𝚢𝚊𝚐 𝚊𝚝 𝚋𝚊𝚝𝚒𝚔𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚘𝚜𝚝 𝚊𝚝 𝚔𝚘𝚖𝚎𝚍𝚢𝚊𝚗𝚝𝚎 𝚜𝚊 𝙿𝚑𝚒𝚕𝚒𝚙𝚙𝚒𝚗𝚎 𝚜𝚑𝚘𝚠𝚋𝚒𝚣 𝚒𝚗𝚍𝚞𝚜𝚝𝚛𝚢. 𝚂𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚠𝚒𝚝𝚝𝚢 𝚊𝚝 𝚏𝚞𝚗𝚗𝚢 𝚓𝚘𝚔𝚎𝚜 𝚊𝚢 𝚝𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 𝚗𝚐𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚋𝚒𝚋𝚒𝚐𝚢𝚊𝚗 𝚗𝚒𝚢𝚊 𝚗𝚐 𝚗𝚐𝚒𝚝𝚒 𝚊𝚝 𝚜𝚊𝚢𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚗𝚘𝚗𝚘𝚘𝚍.

𝙽𝚐𝚞𝚗𝚒𝚝, 𝚋𝚞𝚔𝚘𝚍 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚔𝚘𝚖𝚎𝚍𝚢𝚊𝚗𝚝𝚎 𝚊𝚝 𝚑𝚘𝚜𝚝, 𝚜𝚒 𝙹𝚘𝚜𝚎 𝙼𝚊𝚗𝚊𝚕𝚘 𝚍𝚒𝚗 𝚊𝚢 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚋𝚞𝚝𝚒 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚙𝚊𝚐𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝚊𝚖𝚊 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚊𝚗𝚊𝚔.

Katulad ng ibang mga kilalang personalidad sa entertainment industry, si Jose Manalo ay isa din sa mga komedyante na nakaranas ng mga kontrobersiya. Ito ay noong mga panahon na nagsisimula pa lamang ang kaniyang karera sa longest running noontime show ng GMA Network na Eat Bulaga.

Ayon sa ilang mga ulat, na-involve sa isang kontrobersiya si Jose Manalo taong 2012. Ito ay nang maging laman ng balita ang di umamo’y paghihiwalay ng komedyante at ng asawa nito na si Annalyn Manalo dahil sa pinansyal na problema ng kanilang pamilya.

Bukod sa pinansyal na problema, isa din ang pambababae umano ng TV host sa mga naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Samantala, ayon sa ilang mga source sa loob ng entertainment industry, sinasabi na nagkaroon umano ng relasyon sina Jose Manalo at ang dating EB Babes na si Mergene Maranan.

Matagal na ding pinag uusapan sa showbiz ang kanilang di umano’y relasyon ngunit wala namang kumpirmasyon mula sa dalawang panig kung ang balita na ito ay totoo o hindi.

Ngunit kamakailan lamang ay tila ito ay kinumpirma na ni Mergene nang siya ay makipagdiskusyon sa isang netizen sa isa sa kaniyang mga socmed post.

Nagsimula ang mainit na pag-uusap sa pagitan nina Mergene at ng netizen nang ito ay nagbigay ng komento sa isang Instagram post ng dating EB Babes.

Tanong ng netizen, “Ikaw pala yung bagong kinakasama ni Jose?

Hindi naman ito pinalampas ni Mergene at sinagot ang netizen ng “So?”, na tila inaamin nito sa relasyon nga nilang dalawa ni Jose. Ngunit, marami naman sa mga netizens ang tila hindi nagustuhan ang paraan ng pagsagot ni Mergene. Ang ilan pa nga ay sinabihan ito ng “may attitude”.

Komento muli ng netizen,

“Wag kang ganyan gurl, baka may madamay na iba! Igiling mo pa gurl! Sunod [si] Vic Sotto.”

Sinagot din naman ni Mergene ang komento na ito ng netizen at sinabi na hindi na lamang niya ito papatulan bagkus ay hahayaan na lamang niyang mabasa ang nasabing komento ni Vic Sotto.

Sa dulo pa ng kaniyang komento, tila ito ay naging isang “F” word na nilagyan na lamang niya ng “po” sa dulo.

Sa patuloy na mainit na diskusyon sa pagitan ng dalawa, hindi na din napigilan ng dating EB Babes na makapagbitaw ng hindi magagandang salita mula sa netizen.