Delivery Rider, Nanℓυmσ na Lamang Matapos Hindi Kunin ng Customer ang P15k Order Nito!

144

Sa kalagitnaan ng pandemic, usong-uso ang food delivery. Maraming tao ang umo-order na lamang ng pagkain upang hindi na lumabas. Kaya naman maituturing na essential workers rin ang mga riders, na handang itaya ang buhay nila para makapaghanapbuhay lang. Ngunit nakakalungkot isipin na may mga delivery riders pa rin ang nαвιвιктιмα ng mga scαммєrs.

Nagkalat na rin ngayon ang mga taong mapanlamang sa kanilang kapwa. Karamihan sa mga scammers na ito, oorder ng malaking halaga ng pagkain online ngunit hindi naman ito babayaran.

Sa ganitong pagkakataon, ang rider ang malulugi at mapipilitang mag-abono ng order. Talagang napakalaking abala rin nito sa kanila na naghahanapbuhay lamang ng maayos.

Kamakailan lang, isang delivery rider na naman ang nαвιктιмα ng scam. Nanlumo ang rider na ito matapos siyang hindi siputin ng kanyang customer. Ang masaklap pa dito, hindi lang basta-basta ang inorder ng customer, dahil umabot ang halaga ng order nito ng libo libo!

Isang netizen na nagngangalang Zandro Nonato ang nagbahagi ng sinapit ng isang Grab rider na ito. Ayon kay Zandro, hindi raw kinuha ng customer ang mahigit sa P15,000 na order nito na mga pizza at iba pa, kaya naman namomroblema talaga ang pobreng rider.

“Please be aware po sa lahat ng food rider dyan, block nyo na po ang 15 Masigasig street Brgy. Pinyahan. Name ‘Harold Agustin,’ pero hindi po siya nag-order non. Ginagamit lang po yung address at name nila. Pa-share na lang din po. 15k po lahat ng order.”

Maraming netizens ang agad namang nagpaabot ng tulong upang maubos ang order ng Grab rider. Nag-update rin si Zandro sa kanyang post, at sinabing dahil sa tulong ng ilang netizens na may mabuting puso, sa wakas ay naubos na rin ang mga pagkain.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 66,000 reactions at 75,000 shares sa social media ang post na ito. Marami rin ang nagpahatid ng tulong sa Grab driver.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.

Read also:

Tanod Na Sinita Ang Grab Rider Dahil Di Umano Essential Goods Ang Lugaw, Viral Sa Social Media!

Viral ngayon sa social media ang isang video ng Grab Driver na nahuli ng mga tanod dahil umano sa curfew.

Ayon sa ulat mula sa Trending Bytes, magde-deliver umano sana ang rider ng lugaw ngunit ito ay hinuli ng mga tanod dahil ang nasabing rider ay lumagpas na daw sa itinalagang curfew na 6pm hanggang 5pm.

Hinarang umano ng mga tanod ang rider at lumapit dito ang isang babaeng tanod kung saan sinabi nito ang tungkol sa curfew sabay pakita sa memorandum tungkol sa pinapatupad na curfew ngayon sa NCR at iba pang karatig lugar.

Ngunit, ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens ay noong sabihin nag tanod na hindi umano essential goods ang lugar dahil saad nito ay nabubuhay umano ang tao kahit walang lugar. Kaya naman hindi umano nila maaaring mapahintulutan ang rider na lumagpas dahil hindi naman essential ang idinedeliver nito.

Paliwanag pa ng tanod na ang maituturing lamang daw na mga essential goods ay ang gatas, toothpaste, at tubig.

Sumagot din naman ang rider sa tanod at sinabi na ang lugaw ay pagkain naman ngunit kaagad siyang pinatutsadahan ng tanod at sinabi,

“Eh di sana lahat ng pagkain bukas!”

Kahit pa man nabanggit ng babaeng tanod ang “food” at mga essential goods na maaaring i-deliver kahit lagpas na ang curfew, pinanindigan pa din nito na hindi essential ang lugaw.

Mabilis naman na naging viral sa social media ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Paano po kung may s4kit ang kakain ng lugaw? Hindi pa rin po ba palalampasin ang mga rider?”

“Palagay ko po Ms. Tanod hindi naman po papayagan ng Grab na magdeliver pa sila ng ganyang oras kung bawal”

“FYI po, lugaw po ay food at kayo na po mismo ang nagbanggit na “food and essential goods” ang pwede”

“Buti na-video ni Grab rider, kudos din sa kanya sa pagiging mahinahon kasi may mga bukas po talagang kainan na 24 oras para sa mga frontliners natin kung hindi po ako nagkakamali”

“Ate, pakibasa po ulet, parang kayo po ang nalito, food po ang lugaw, pagkain po”