Ellen Adarna, sinupalpal ang netizens na pumuna ng kanyang dibdib matapos ibahagi ang latest na larawan sa kanyang Instagram!

204

Wala talagang preno ang mga sagutan ng aktres na si Ellen Adarna pag dating sa kanyang mga bashers.

Hindi na bago kay Ellen ang mga komento ng bashers sa kanya maging sa personal na buhay man nito o pagpuna sa kanyang pisikal na anyo.

Noong ilang buwan pa lamang ang nakalipas nang ipanganak niya ang kanilang panganay na anak ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto, nakatanggap din ng harsh comment ang aktres.

Nag post kasi siya noon ng kanyang post p4rtum photo kung saan nakasuot siya ng sports bra at leggings pang exercise. May nagkomento noon na nilait ang kanyang tiyan maging ang stretchmarks niya.

Ngayon naman, hindi pa din nakaligtas ang newly wed sa pamumuna ng mga netizens sa kanyang mga larawan.

Bonggang bongga at mala manika si Ellen sa kanyang new color hairstyle. Marami sa kanyang fans ang muling napahanga sa kanyang ganda.

Sa Instagram, nag upload ng ilang larawan ang mom of one kung saan makikita ang kanyang fresh new look.


Sa kabilang banda, may isang netizen na pumuna sa kanyang cle4vage.

“Why the cle4avage has folds, diba naakita ng nag picture yan,” komento ng basher.

Walang prenong supalpal naman ni Ellen, “my boobs from watermelon, turn into pancakes after breastfeeding. Motherhood dear. Enjoy yours coz it wont be as perky as your profile pic forever.”

Hindi ito ang una at huling pagkakataon na sasagot ang aktres sa mga bashers.