Ex Battalion, ka-level daw ng BTS ayon sa co-producer nito matapos pag-usapan ang VVIP ticket nito na nagkakahalaga ng P35,000!

43

Ka-level na daw umano ng grupong Ex-Battalion ang sikat na KPOP group na BTS pagdating sa presyo ng concert tickets.

Pinamagatang Evoluxion, ito ang first major concert ng Ex-Battalion, ang tinuturing na Philippines’ biggest hiphop group. With a total of over 1 billion accumulated views and over 4 million subscribers on YouTube alone.

Gaganapin ito sa Araneta Coliseum at mapapanood nang live sa ktx.ph sa December 11, Saturday, 8 pm.

Mapapanood sa three-hour live concert ang group’s signature hits at iba pa nilang recordings kasama ang full band sa ilalim ng direksyon ng award-winning musical director Raul Mitra na identified kay Regine Velasquez.

Samantala, usap-usapan naman ang presyo ng concert tickets ng EX-BATTALION. Madaming netizens ang nawindang dahil sa halaga nito.

Ikinumpara pa nga nila ang presyo sa concert tickets ng sikat na KPOP group na BTS.

Nagre-range sa P300 to P2,000 ang pinakamurang tiket para sa online concert ng EXB. Pero tumataginting na P20,000 to P35,000 naman ang pinakamahal.

Paliwanag naman ng management at producer ng concert. Sa makaka-afford bumili ng P20k tiket sa online concert ng EXB ay may special promo package dito ang grupo. Bukod sa access to online concert, magkakaroon din sila ng printed ticket, EXB greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster, EXB mask and shirt, RS mask and shirt, SV shirt and jacket, and an exclusive dinner with the EXB.

Sa most expensive ticket ng EXB online concert na P35,000.00 ay makukuha rin nila ang benefits na meron sa P20k ticket holder except sa isang exclusive access to the Listening Party (inclusive of cocktails) featuring never-before-heard (unreleased) EXB tracks na gaganapin pagkatapos ng exclusive dinner kasama ng EXB.

Sa ngayon ay 80 slots na lamang umano ang natitira para sa VIP pass.