Fiancé ni Lian Paz na si John Cabahug, inaming gusto ampunin ang dalawang anak na babae ni Paolo Contis

191

Aminado si John Cabahug na gusto na niya ipangalan sa kanya ang mga anak ni Paolo Contis kay Lian Paz.

Kung titingnan, si John na talaga ang masasabing nakagisnang ama ng dalawang anak nina Lian at Paolo. Na sina Xonia at Xalene dahil three and two years old ang dalawa nang magsama sila ni Lian. At daddy na kung tawagin siya ng dalawang bata.

Ayon kay John kasal na lang daw talaga ang kulang sa matibay na relasyon nila ni Lian.

Nagpropose na siya sa dating EB BABE dancer last year. Kahit pa nga hindi pa naga-grant ang annuIment nito kay Paolo.

Samantala, ibinahagi din ni John na gusto na niyang i-adopt legally ang dalawang bata. Ngunit syempre kailangan pa din ng pagsang-ayon ni Paolo sa usaping ito.

Ani John, “Pero sabi ni Attorney, kailangan kasi ng signature ni Paolo. Sabi ko, baka hindi papayag ’yon.  Pero ako, sobrang gusto ko.

“Kung p’wede lang, kung halimbawa si Paolo, hindi na siya ’yong magpa-pride…pero siyempre, nirerespeto ko rin ’yong proseso at saka siya, kung ano ang mga diskarte niya sa buhay.

“Kaya sabi ko, in the right time siguro.”

Dagdag pa nga nito parang mga anghel daw sa buhay niya ang dalawang bata.

“Iba na rin ang relationship ko sa mga bata. Para kasi silang mga angels na dumating sa akin. Talagang sobra, parang anak ko na talaga sila.”

Sa ngayon, kahit hindi man sa legal na paraan, anak na daw talaga kung ituring ni John. Ang mga anak ni Lian kay Paolo at masaya na siya sa ganoong set up for now.