Ginulat Ng Isang Napagkamalang Pulubi Ang Mga Staff Ng Motorshop Ng Bumili Ito Ng Isang Mamahaling Motorsiklo Na Nagkakahalaga Lang Naman Ng 800,000 Pesos

438

Ika nga nila “Huwag manghusga base sa itsura” dahil hindi lahat ay nakabase sa panlabas na itsura, maaring kilalanin at usisain muna bago magbigay ng panghuhusga.

Isang senaryo ang tila nagpatunay na huwag manghusga base sa itsura, isang matandang lalaki sa thailand na pumasok sa isang Motorcycle Shop at dahil sa sa kanyang pananamit at postura ay wala man lang sa kanyang pumansin at kumausap sa kanya. Tila naisip ng mga tao sa shop na isa lamang itong pulubi at walang kakayahang bumili ng sasakyan kaya hindi nila ito inassist.

Dahil sa agad panghuhusga sa matanda, naisip niyang walang kakausap sa kanya kaya minabuti niya nalang na kausapin ang mismong may-ari at nagtagal nga ang kanilang pag-uusap dahil ang matandang iyon pala ay may balak na bumili ng isang mamahaling motor.

Tila walang kahit na anong ideya ang mga salesperson sa matanda kaya nakatingin lang ang mga ito na parang isang ordinaryong sitwasyon. Hindi makapaniwala ang mga salesperson sa nangyari matapos ang pag-uusap ng may ari at ng matanda dahil sa itsura nitong napakasimple at walang arte ay isa palang galanteng costumer na bibili ng mamahaling motor na nagkahahalaga ng 600, 000 baht o kung susumahin sa peso ay halos 834,307.85.

Hindi makapaniwalang ang isang matandang hinusgahan ay may dala palang malaking halagang pera at may kakayahang bumili ng mamahaling sasakyan.

Ngunit ayon sa kapatid nito, hindi naman talaga pala mayaman ang matanda, isa siyang retired na mekaniko na nag-ipon para mabili ang pangarap na motor. Napag isip-isip raw ng matanda na hindi na ito nasisiyahan sa kanyang mga bisyo kaya mas mabuti pang ipunin niya ito para maabot ang isa sa mga pangarap niya

Ang kwentong ito ay napag alaman ng may mag post nito sa Facebook, at ginawan rin ito ng kwento, ngunit marami silang natatanggap na pangit na komento kaya agad naman din nila itong binura.