Grab Driver biktima ng Hit-and-Run, Kanyang motorsiklong panghanap buhay nasunog pa

“Kawawa namn si paps kapwa grab natin binangga na tinakbuhan pa tapos nasunog pa nmax na pang hanap buhay nya RS To all espanya antipolo.”

290

Tinakbuhan daw ang isang Grab driver sa Antipolo matapos itong mabangga. Sa kasamaang palad ay nasunog din ang minamaneho niyang motor.

Sa isang public Facebook group na “247Riders GRAB COMMUNITY,” i-p-in-ost ang isang seven-second video na nagpapakita ng insidente sa kalsada.

Caption ng nasabing post, “Kawawa namn si paps kapwa grab natin binangga na tinakbuhan pa tapos nasunog pa nmax na pang hanap buhay nya RS To all espanya antipolo.”

Unang makikita sa video ang apoy na lumalamon sa sasakyang gamit marahil ng nasabing delivery rider sa kaniyang pagtatrabaho. Ilang segundo lamang ay makikita ang ilang mga taong nakapalibot sa isang lalaking nakahandusay sa kalsada – na walang iba kundi ang biktimang rider.

           Umani naman ito ng samot-saring reaksiyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

           “sa mga may nakakita, kausapin nyo, hingi kayo ng kwento agad at pagbigay nyo agad sa. brgy para maaksyonan.”

           “awts kawawa naman si paps.”

           “Unahin muna si paps maitakbo sa ospital bago ang lahat.”

           Sa ngayon ay mayroon na itong 70 reacts: 46 “sad”, 12 “like”, 11 “angry” at isang “wow.” Mayroon na rin itong 11 comments at 59 shares.