Heart Evangelista, Umamin Na Tungkol Sa Kaniyang Hindi Pa Pagdadalang Tao Sa Anak Nila Ni Chiz Escudero

Hinarap na sa wakas ni Heart Evangelista ang mga balita na kumakalat at katanungan ng marami tungkol sa kaniyang personal na buhay. Sa pagka...

81

Hinarap na sa wakas ni Heart Evangelista ang mga balita na kumakalat at katanungan ng marami tungkol sa kaniyang personal na buhay.

Sa pagkakataong ito, ipinaliwanag naman ng actress-vlogger ang dahilan kung bakit hindi pa siya nagdadalang tao sa anak nila ng asawa na si Chiz Escudero.

Sa bagong vlog na kaniyang ini-upload sa kaniyang YouTube channel, matapang na sinagot ni Heart ang mga maiinit na tanong tungkol sa kaniyang buhay. Hinarap din ng Kapuso star ang mga usap-usapan tungkol sa kaniya kasama na dito ang kaniyang pagdadalang tao umano noong siya ay nasa 20s.

Mariin naman niyang itinanggi ang akuasyon na ito at nilinaw na siya ay hindi nabuntis noong siya ay nasa edad na 20.

 

 

“Definitely, no. But if I had a baby, whether when I was young or whether I was expecting or not, I always believe that a baby is a blessing.”

Maliban dito, sinabi din ni Heart na hindi siya nagpakasal noon.

Aniya,

“No. I was never married before. But I thought of getting married a couple of times.”

Pagpapatuloy pa ni Heart, nakatanggap siya noon ng promise ring mula kay Chiz. Ngunit, kalaunan ay binigyan na siya ng nasabing politiko ng engagement ring. Bukod pa dito, may mga usap-usapan din na nagsasabi na hindi nagsasama sa iisang kwarto si Heart at Chiz.

 

 

“Of course we share the same room! Minsan minsan na nga lang kami magsama, ‘di pa kami mag she-share?”

Sa isang parte ng nasabing vlog, inilahad din ni Heart ang dahilan kung bakit hindi pa siya nabubuntis hanggang ngayon. Ayon sa kaniya, ang mga araw ng kaniyang fertilization ay natatapos na kapag umuuwi si Chiz sa kanilang bahay.

“Malapit na! After ng pand3mic, mag o-prion C na ako. Nag B na ako, so C na ako. Bigyan lang natin ng chance. Kasi nga, kapag dumarting si Chiz, tapos na ‘yung week na fert1le ako.”

 

 

Sa ngayon, abala naman si Chiz sa mga proyekto na kaniyang ginagawa sa Sorsogon.