Ilang mga netizens hindi nagustuhan ang bastos na biro ni Brenda Mage sa kanyang kapwa housemate na si Eian Rances

193

Hindi nagustuhan ng mga viewers ng Pinoy Big Brother ang pangbabast0s umano ni Brenda Mage kay Eian Rances.

Nagpoprotesta ang mga fan, netizen, na palabasin, sipain agad-agad sa loob ng Bahay ni Kuya ang komedyanteng si Brenda Mage.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng followers ng ongoing na latest edition ng PBB sa ABS-CBN. Ang mistulang [email protected] ni Brenda sa kapwa housemate niyang si Eian Rances.

 

Sa isang eksena sa show, nag-uusap-usap sina Brenda, Eian, at Madam Inutz. Nadako ang kwentuhan sa pagtatanong ni Brenda kay Eian kung ano ang gagawin nito kung isang gabing lasing siya ay magising siyang hawak na ni Brenda ang “ano” niya.

Sagot ni Eian, ‘Wag naman ganun!’ Pero, giit pa rin ni Brenda, ‘Tuloy o tigil?”

Meaning, dapat ba niyang itigil ang ginagawa niya kay Eian noong mga oras na lasing nga sila, o dapat itigil na lang.

“Magkano ba?” deretsahan pang tanong ni Brenda kay Eian.

Sagot naman dito ni Eian, “Hawak mo na, anong tuloy o tigil? Wag kang ganun, kasi masama `yon, hindi lang sa akin, kahit kanino, wag mong gagawin.”

Maraming viewers na nag-react sa inasal na ito ni Brenda. Kabilang sa mga naging reaksyon nila ay maituturing na “s3xu’al [email protected]’ment” ang mga sinabi ni Brenda kay Eian.

Meron ding binigyang-diin na pwede nang ground for eviction ang mga dialog ni Brenda kay Eian.

Ayon naman sa ilan, pwedeng “i-reprimand” ni Kuya si Brenda at pagkatapos ay hilingin sa kanya na mag-“auto-nomi” siya. Ang ibig sabihin ng “auto-nomi” ay i-nominate ni Brenda ang sarili for eviction.

Sa ngayon ay wala pang balita kung ano ang sumunod na mga nangyari pagkatapos ng usapang ito nina Brenda at Eian.

Julia Montes, ikinumpara ng aktres na si Carmina Villaroel sa isa umanong batang aktres na ayaw niyang makatrabaho dahil sa pagiging ‘bastos’ na pag-uugali nito

Ang beteranang aktres na si Carmina Villaroel kamakailan lamang ay nagbahagi ng kanyang hindi magandang karanasan sa isang batang aktres na ayaw di-umano niyang makatrabaho dahil sa hindi magandang pag-uugali nito. Ayon pa kay Carmina, maituturing niya umano ito na ‘bastos’ dahil sa hindi ito marunong rumespeto.

Saad pa ni Carmina, ‘disrespectful’ umano para sa kanya ng naturang batang aktres na hindi niya pinangalanan. Dagdag pa niya, bilang isang artista mahalaga para sa kanya ang marunong gumalang sa nakatatandang mga artista. Kaya hindi niya raw nagustuhan ang animo’y hindi paggalang sa kanya ng naturang batang aktres na ito.

Aniya pa, “So, yun na nga, going back to my story, yung particular artista na ‘to, magkatabi na kami. Ni ha, ni ho, wala… As in walang hello. Parang, ‘Ano ‘yan? Bakit ganun?’ So, talagang sabi ko talaga, ‘I will never work with this artista.’

“Hindi ko pa siya nakakasama. It was just a one-time [thing]… it was an event somewhere.”

“I did not confront that artistang girl. Again, hindi ko siya kinonfront… Parang medyo pinangako ko sa sarili ko na ayoko siyang makatrabaho, kasi medyo disrespectful siya. Dahil hindi siya marunong bumati,” sabi pa ng aktres.

Ayon kay Carmina, importante umano sa kanya na magpakilala ang isang batang artista sa mga nakatatanda. Ganito raw ang ginagawa niya noong nagsisimula pa lamang din siya ngunit, hindi niya naman umano sinasabi na ganito din ang gawin sa kanya ngayon ng mga bagong artista.

“Hindi ko talaga masyadong gusto yung pagiging disrespectful. I’m not saying na when you see me, you have to kiss me, but just acknowledge my presence. ‘Hello po, Miss Carmina. Ako po si Ganito.’ Or kahit from afar, ‘Hello!’

“Hindi ko sinasabing mag-kiss ka sa akin. But just acknowledge that I’m there na hindi naman ako parang hangin, na parang hindi mo ako nakikita. So, medyo nao-off ako sa mga taong ganun, e,” ika pa niya.

Samantala, kaugnay nito ay naikwento naman ni Carmina ang isa ring batang aktres na kanyang nagugustuhan dahil sa pagiging magalang nito. Noong una ay ayaw niya pa itong pangalanan ngunit, kalaunan ay isinaad din nito kung sino ang kanyang tinutukoy. Ito nga ay si Julia Montes na talaga naman umanong binigyang papuri ni Carmina.

Pagbabahagi pa nito tungkol kay Julia, “Kaya ko tuloy na-compare dati… kasi may isang artistang babae na di ko pa rin nakikilala, di ko pa rin nakakatrabaho. But [she] went up to me and said, ‘Hello.’ And she introduced herself. That’s why nakita ko pa yung comparison. ‘Tingnan mo ang batang ito. Ito lumapit.’

“[She] went out of her way, ha. Hindi ko siya katabi. Nandoon siya sa kabilang end, but she still went to me kahit busy na siyang nagmi-makeup and all that. She still went to me and said, “Hi,’ and introduced herself. Simula nun, love ko na siya…”

Kung saan dito nagsimulang magustuhan niya si Julia, kaya hindi niya naiwasan na ikumpara ito sa isang batang aktres na ayaw niya.

“Tapos because of that incident, because of that small gesture that I appreciated so much, naghanap ako ng photo niya, pinost ko siya sa Instagram. At naglitanya talaga ako. All praises sa kanya, ‘Sana one day, you know, I can work with you, chu-chu-chu-chu-chu…’

“So, Julia is like a little sister. So, talagang hindi ko makakalimutan yung gesture na ganoon.”