Imbis Na Lutuin Ang Kanyang Alagang Manok, Mas Pinili Pa Ng May-Ari Ang Ipalibing Ito Sa Huling Hantungan

882

Nag-trending kamakailan ang isang post ng kinilalang netizen na si Vee-jay Soriano Cojobiram. Imbis na lutuin ang pumanaw na manok ay inilibing ito ng maayos.

Kung makikita sa kanyang post, ibinahagi niya dito ang kanyang pinakamamahal na manok na pumanaw at namatay sa sabong.

Sa kanyang post, kanyang ibinihagi ang pagkapanalo nito sa anomang sabong ang kaniyang sinasalihan.

At kung makikita sa post, ay talaga namang mahal na mahal ng may-ari ang kaniyang manok dahilinilibing ito ng maayos.

“42Wins – 1 Loss

4Times Stag Derby Champion
7Times 3Cocks Derby Champion
12Times 7cocks Sagupaan Derby Champion
5Times 11cocks Bakbakan Derby Champion
15Times Pitmastercup Derby Champion,” ani pa sa caption ng Facebook post ni Vee-jay.

Kaya naman, maraming mga netizens ang nagbigay ng iba’t-ibang reaksyon dahil dito.

Narito ang mga naging komento ng iilang netizens sa nasabing post:

“Bilib ako sa manok na yan.. Napakaraming titulo na napanalunan. Ang erpat ko 3x derby champ rin at pinapangarap ng isang tulad nya na magkaroon ng ganyan manok.,” ani pa ni Troy G.

“totoo yan hanapin niyo sa youtube,” ani pa ni Vhein O.

“Wala naman nakakatawa jan lalo na kung 42-wins tas malalaki pa taya umay kalaban mo sayo.,” ani pa ni Enrique D.

“Nasobra sa talpak yong utak naging latak hehe,” ani pa ni Julius P.

“Kaninong gamefarm may hawak dyan ? Parang hindi naman pilipino,” ani pa ni Kel V.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon. Para sa iba pang latest trending topics na kwento, wag mag atubiling pindutin ang link sa aming Facebook page na Daily Update para mag-like at mag-follow. Maraming Salamat.

Taon-taon lumalangoy ng 8,000 kilometro ang isang penguin upang makita lang ang lalaking nagligtas sa kanya

Nagtagpo noong 2011 ang isang penguin at isang lalaking nagngangalang Joao Pereira de Souza, 73 taong gulang.

Source: Wall Street Journal/ You Tube

Ayon sa “Goodtimes,” nakita ni de Souza ang nasabing penguin sa isang dagat sa Barzil. Nababalutan daw ito ng makapal at kulay itim na langis. Naawa raw siya rito kaya niya ito iniligtas. Iniuwi niya ito at nilinisan; inalagaan hanggang sa ito ay gumaling. Muli niya itong ibinalik sa dagat nang masigurong malakas na ang penguin.

 

Source: Wall Street Journal/ You Tube

Hindi raw inakala ni de Souza na ang pagsagip niya sa buhay ng penguin ay ang pagsisimula na pala ng kanilang pagkakaibigan. Makalipas daw kasi ng isang taon ay bumalik ang penguin sa tahanan ng lalaki upang siya ay bisitahin.

Source: Wall Street Journal/ You Tube

Naglalakbay taon-taon ang nasabing hayop nang halos 8,047 kilometro para lamang masilayan si de Souza. Napamahal na rin ang lalaki sa penguin at pinangalanan niya itong “Dindim.”

 

Source: Wall Street Journal/ You Tube

Nananatili umano si Dindim ng walong buwan kada taon sa piling ng lalaki. Pagkatapos nito, saka na ulit siya maglalakbay patungo sa Argentina at Chile para sa breeding season.

Source: Wall Street Journal/ You Tube

Isa itong patunay na hindi lang sa tao natatagpuan ang tunay na pagkakaibigan; maaari rin itong makita sa mga hayop.


Source: Wall Street Journal/ You Tube