Ina ni Bea Alonzo na si Mommy Mary Ann, inamin ang dahilan sa likod ng tυnay na ρangalan ni Bea na “Phylbert Angelli”

98

𝙺𝚊𝚛𝚊𝚗𝚒𝚠𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚊𝚛𝚝𝚒𝚜𝚝𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚞𝚖𝚊𝚖𝚒𝚝 𝚗𝚐 𝚜𝚌𝚛𝚎𝚎𝚗 𝚗𝚊𝚖𝚎 𝚘 𝚙𝚊𝚐𝚙𝚊𝚙𝚊𝚕𝚒𝚝 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚕𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚊𝚗𝚊𝚠 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚗𝚊𝚐𝚎𝚛 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚜 𝚗𝚊𝚊𝚊𝚢𝚘𝚗 𝚊𝚝 𝚋𝚊𝚐𝚊𝚢 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊. 𝙺𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚝𝚞𝚠𝚊 𝚍𝚒𝚗 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚝𝚞𝚗𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚕𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚒𝚗𝚒𝚒𝚍𝚘𝚕𝚘 𝚔𝚊𝚢𝚜𝚊 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚜𝚊𝚗𝚊𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚔𝚊𝚔𝚊𝚔𝚒𝚕𝚊𝚗𝚕𝚊𝚗 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊.

Credit: @beaalonzo Instagram

Hindi man batid ng karamihan, hindi inilihim ng kapamilya actress na si Bea Alonzo ang tunay na pangalan na nakatala sa kanyang birth certificate.

Bagamat hindi angkop ang pangalang Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom sa napakagandang mukha ng aktres, may dahilan naman ang kanyang ina na si Mommy Mary Ann kung bakit ito ang ipinangalan sa kanya.

Sa isang vlog na ibinahagi sa YouTube channel ni Bea, sinabi ng aktres na siya ay nakapagbakasyon sa kanilang farm kung saan siya ay lubusang nakapagrelax at nagkaroon ng extra na oras para gumawa ng Q&A video kasama ang kanyang ina.

Credit: @beaalonzo Instagram

Dito sinabi ni Bea na tinawag nila ang kanilang farm na Beatifirma, isang latin word na ang ibig sabihin ay The blessed farm.

Ipinaliwanag niyang tinawag nila itong blessed farm dahil dito nila nakita kung paano pinaghirapan ng kanyang ina na maisaayos ang nasabing farm na nagsimula lamang sa isang talahiban na ngayon ay naging mango plantation na sa dami ng nakatanim na puno.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang aktres na tanungin ang ina kung saan nagmula ang kanyang pangalang Phylbert Angelli.

Credit: @beaalonzo Instagram

“Ano’ng dahilan bakit Phylbert Angelli ang ipinangalan mo sa akin?” tanong ni Bea sa ina.

“Kasi nung ipinanganak kita, uso ang panlalaking pangalan, so pinagdugtong-dugtong ko lang, pangalan ng tatay ko, tapos pangalan ko” paliwanag ni Mommy Mary Ann.

Credit: @beaalonzo Instagram

“At that time, favorite ko si Gelli de Belen, kaya Angelli,” dugtong pa nito.

Kaya doon niya nakuha ang tunay na pangalan ng aktres, mula sa nauusong technique na pagdugtungin ang pangalan upang makabuo ng bago at kakaibang pangalan hanggang sa pagdagdag sa pangalan ng kanyang iniidolong artista na si Gelli de Belen.