Inakala Nilang Simpleng Bukol Lamang Ito, Ngunit Nagulat Sila ng Biglang May Kakaibang Lumabas Dito!

334

Walang sinomang magulang ang nagnanais na mapahamak ang kanilang anak. Kaya naman kahit simpleng sakit lang, hindi na sila agad mapakali dahil ayaw nilang nakikitang nahihirapan ang anak nila. May mga pagkakataon rin na ang inaakala nilang simpleng karamdaman ay kakaibang kondisyon na pala!

Gaya na lamang ng nangyari sa sanggol na ito mula sa United Kingdom. Ayon sa mag-asawang si Aaron at Emma Whittington, malusog at masigla ang kanilang sanggol na si Mya.

Ngunit isang araw, napansin na lamang nila na tila matamlay ang pitong-buwang gulang na sanggol. Napansin rin nila na may tumutubo sa gilid ng pisngi nito.

Noong una, inakala nilang pigsa lamang ito at kusa ring puputok. Ngunit lumipas ang ilang araw at tila palala ng palala ito. Dumating sa punto na halos mamaga na ang mukha ni Mya, kaya naman hindi na sila nagdalawang isip at agad nila itong isinugod sa Hutchinson Regional Medical Center.

Matapos ang check-up, inakala ng mga doktor na tumingin kay Mya na mayroon itong staph infection, na siyang dahilan kung bakit namamaga ang mukha nito.

Ngunit nagulat na lamang sila nang may biglang lumabas sa sugat ni Mya! Noong una’y hindi makapaniwala ang mga doktor at ang mga magulang nito sa kanilang nakita.

Isang maliit na balahibo ang tila unti-unting lumalabas mula sa gilid ng pisngi ni Mya. At dahil hindi nila ito mabunot, wala silang magawa kundi hintayin na lumabas ito. Saka lamang nila nakita na isang maliit na balahibo pala ang sanhi ng pamamaga ng mukha ng sanggol!

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa mga magulang ni Mya kung paanong nagkaroon ng balahibo sa pisngi ang kanilang anak.

Ayon naman sa mga doktor, maaaring natusok o di kaya’y nalunok ito ni Mya, hanggang sa kusa nang ilabas ng kanyang katawan ang balahibo.