Ipσn Goaℓ Hindi Gastσs Gσaℓ! Bata Nakapag-ipσn Ng Php16,000 Sa Lσσb Lamang Na Isang Taσn

1048

𝚂𝚊 𝚋𝚊𝚠𝚊𝚝 𝚜𝚒𝚖𝚞𝚕𝚊 𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚘𝚗 𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚞𝚞𝚜𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 ‘𝚒𝚙𝚘𝚗 𝚌𝚑𝚊𝚕𝚕𝚎𝚗𝚐𝚎.’ 𝙼𝚊𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚔𝚊𝚜𝚒𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚖𝚞𝚕𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐-𝚒𝚒𝚙𝚘𝚗 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚙𝚊𝚜𝚘𝚔 𝚙𝚊 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚘𝚗 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚔𝚊𝚙𝚊𝚐 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚝𝚊𝚙𝚘𝚜 𝚗𝚊 𝚒𝚝𝚘 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚖𝚘 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚐𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚋𝚊 𝚔𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚒𝚒𝚙𝚘𝚗.

𝙺𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒𝚑𝚊𝚗 𝚊𝚢 𝚝𝚒𝚗𝚊𝚝𝚊𝚗𝚘𝚗𝚐 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚔𝚒𝚝 𝚗𝚊𝚙𝚊𝚔𝚊𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙 𝚖𝚊𝚐-𝚒𝚙𝚘𝚗? 𝚂𝚊 𝚙𝚊𝚐-𝚒𝚒𝚙𝚘𝚗 𝚔𝚊𝚜𝚎 𝚗𝚐 𝚙𝚎𝚛𝚊, 𝚍𝚒𝚜𝚒𝚙𝚕𝚒𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗. 𝙳𝚊𝚙𝚊𝚝 𝚊𝚢 𝚒𝚜𝚒𝚗𝚊𝚜𝚊𝚗𝚐-𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚋𝚊𝚐𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚝 𝚒𝚠𝚊𝚜𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚋𝚊𝚐𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚝𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 𝚔𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚒𝚕𝚑𝚒𝚗 𝚘 𝚙𝚊𝚐𝚔𝚊𝚐𝚊𝚜𝚝𝚞𝚜𝚊𝚗.

Isang magandang example ang 6 taong gulang na batang ito na si Juris Estrada. Sa murang edad pa lamang kasi ay nakapag-ipon na siya. Gagamitin raw kasi niya ito sa kanyang birthday bilang panghanda.

Photo Credits: Joan Estrada/ Facebook

Nang buksan nila ang kanyang baboy na alkansya ay nagulat siya na ganoon na pala karami ang kanyang naiipon. At kung tatanungin kung magkano ba ang naipon ng bata sa loob lamang ng isang taon ay humigit ito sa Php16,000.

Ang nag-impluwensya kay Juris para makapag-ipon ay ang kanyang nanay na si Mommy Joan. Bata pa lang daw noon si Joan ay nag-iipon na siya sa basyong lalagyanan ng polbo na ginawa niyang alkansya.

Kaya naman noong siya ay nagkaroon ng anak ay tinuro niya ang magandang gawain na ito sa kanyang anak.

“Sinabi ko kay Juris na mag-ipon siya para matuto siyang mag-ipon habang bata pa siya.”

Photo Credits: Joan Estrada/ Facebook

Ang nakakatuwa naman sa bata ay sinunod niya ang payo ng kanyang ina. Iniwasan muna niya ang kendi at pagpapabili ng mga bagong laruan. Ang kanyang baon sa eskwela na Php50 ay tinitipid rin niya upang mayroon siyang maihulog sa kanyang alkansya.

Noong kaarawan ng bata ay binuksan na nila ang kanyang alkansya at ibinahagi niya na sobrang masaya raw siya. Sa dami ng perang kanyang naipon ay gusto lamang ni Juris na bilhin ay bagong tsinelas dahil saktong nasira raw ang kanyang tsinelas.

Photo Credits: Joan Estrada/ Facebook

Wala ng ibang gustong bilhin ang bata at nagpasya na lamang sila na ibabangko ang naipong pera ni Juris. Kaya naman sinimulan niya ulit ang pag-iipon upang sa mga susunod pa niyang kaarawan ay mas marami pa ang kanyang maimpok na pera.

Sana ay marami ang mainspire kay Juris at matularan ang kanyang ginagawa na “Ipon goal, hindi Gastos goal.”