Isang Ale, Nadismaya Nang Makita Na Bawas Ang Isda Na Kaniyang Binili Sa Palengke Pagkauwi Ng Bahay

Sa panahon natin ngayon, nakakalungkot lamang isipin na tila dumadami na ngayon ang mga tao na nanlolo at nanlalamang ng kanilang kapwa. Kah...

1372

Sa panahon natin ngayon, nakakalungkot lamang isipin na tila dumadami na ngayon ang mga tao na nanlolo at nanlalamang ng kanilang kapwa.

Kahit noon pa man ay madalas na nating naririnig sa mga nakatatanda ang kasabihan na walang taong maloloko kung walang magpapaloko. Kaya naman dapat ay mas maging mapanuri tayo bilang mga mamimili, lalo na sa panahon natin ngayon para hindi natin maranasan ang nangyari sa netizen na ito.

Hindi lubos akalain ng netizen na ito na mararanasan niya mismo ang panloloko na ginagawa ng ilang mga tindera sa pamilihan.

 

Ayon sa netizen, bumili siya ng isda sa isang pamilihan nang siya ay mapunta sa bayan sa kanilang lugar ngunit laking gulat na lamang nang makita niya na kulang na ang mga hiwa ng isdang pinamili nang siya ay umuwi sa kanilang bahay.

Hindi napigilan ng netizen na madismaya sa pangyayari. Kahit pa man nais niyang bumalik sa pamilihan ay malayo na ang kanilang bahay mula dito. Siya kasi ay nakatira sa isang isla kaya naman hindi din siya araw-araw nakakapamili.

Pakiusap naman ng netizen sa mga nagtitinda ay huwag na sana silang manloko o manlamanga ng kanilang kapwa. Sinabi pa ng netizen na ang ganitong klase ng gawain ay hindi maganda, lalo na kung ikaw ay mayroong negosyo o di kaya ay namamasukan sa isang tindahan.

Nagbigay din ng babala ang netizen na mas maging maingat sa panahon natin ngayon. Pinayuhan din ng netizen ang lahat na huwag hahayaan na maloko sila ng mga tao sa kanilang paligid kaya naman dapat ay ugaliin nila na mas maging masiyasat at mapanuri.

Sa hirap ng buhay at problemang kinakaharap natin ngayon sa iba’t ibang aspeto, nararapat lamang na tayo ay mas maging maingat at mapanuri tayo sa lahat ng bagay dahil baka sa halip na makatipid ay mas mapagastos lamang tayo.

Isang Factory Worker Madalas Husgahan Dahil sa laging itlog at tuyo ang kanyang ulam ngunit nagbago ang trato sa kanya ng isang iglap

Sa ating lipunang ginagalawan, hindi naiiwasan ng tao ang manghusga. Nagiging natural sa tao ang maghusga sa mga bagay na hindi inaalam ang tunay na kwento ng buhay ng isang tao. Kaya madalas nakakasakit tayo ng damdamin ng ating kapuwa, at hindi iyon nagdudulot ng magandang samahan. Narito ang kwento ng isang lalaking hinusgahan ng dahil lamang sa kanyang inuulam sa araw-araw. Tunghayan natin ang kanyang kwento.

Ito ang kwento ng isang factory worker na si Raul, walong taon na siyang nagtatrabaho sa factory. Ayon kay Raul, madalas daw siyang pagtawanan at husgahan ng kanyang mga katrabaho dahil sa kanyang pagkain sa araw-araw. Ang kanya kasing ulam sa araw-araw ng kanyang pagtatrabaho ay itlog at tuyo lamang. Kahit pa raw sa araw ng sweldo nito ay ganoon pa rin ang kanyang pagkain, sa walong taon ng kanyang pagtatrabaho ganoon at ganoon lang ang kanyang ulam.

Kaya imbis na magalit si Raul sa pangungutya sa kanya, ay ngumingiti na lamang siya. Ayon pa kay Raul, kaya naman raw niyang bumili ng masasarap na pagkain na pang ulam hindi lang daw talaga niya ginagawa kasi siya ay nagtitipid. Nagtitipid siya sa kadahilanang siya may mga importanteng bayarin. Kaya naman sa tagal ng kanyang pagtatrabaho bilang isang factory worker, wala daw siyang naging kaibigan dahil nilalayuan siya ng mga ito. Madalas rin daw niyang marinig na siya pinagtatawanan ng palihim at laging pinaparinggan siya ng kanyang mga katrabaho.

Minsan isang beses sa pagpunta ni Raul sa kanilang kantina upang doon kumain, ay naging sentro na naman siya ng tukso dahil sa kanyang dalang pagkain. Kasama sa mga ito ang kanilang team leader na si Reah, na siya pa mismong kumutya kay Raul kung bakit laging itlog at tuyo ang kanyang inuulam. May agam-agam man ang kanyang pagsagot, ngunit sinagot niya ito ng may buong lakas-loob. Sinabi niyang siya ay may importanteng binabayaran sa kanilang bahay, ngunit gayunpaman nagpatuloy pa rin ang pangungutya sa kanya. Kaya lumipas ang mga araw napansin na lamang ni Reah na hindi pumapasok si Raul matapos niya itong hiyain sa harap ng maraming tao.

Isang gabi, ang kanilang head manager ay pinatawag lahat ang kanilang team leader ng kanilang factory para sa isang mahalagang anunsiyo. Ang anunsiyong ito na mayroon na silang bagong supervisor na itatalaga sa departamento ng grupo ng team leader na si Reah. Kaya laking gulat ng lahat ng makita nilang si Raul pala ang kanilang bagong supervisor. Nakaramdam si Reah ng pagkahiya dahil sa kanyang maling pagtrato niya kay Raul noon. Agaran namang siyang humingi ng paumanhin kay Raul, at sinabihan siya ni Raul ng “maging silbing aral para sayo na huwag agad manghuhusga ng kapuwa”.

Dahil nga walang kaibigan si Raul sa kanyang trabaho, wala man lang nakakaalam na isa pala siyang working student. Kaya lahat ng nangutya sa kanya noon ay humingi ng tawad sa kanilang ipinakitang panghuhusga. Ngayon ay maayos na ang kanyang relasyon sa kanyang mga katrabaho dahil sa malaking pagbabago sa kanyang estado pati na rin ang kanyang dalang aral sa mga ito.